Alam mo ba muntikan na
Sumuko ang puso ko
Sa paulit- ulit na pagkakataon
Na nasaktan nabigo
Mukhang delikado na naman ako
O bakit ba kinikilig na naman ako
Pero ngayon ay parang kakaiba
'Pag nakatingin sa'yong mata ang mundo ay kalma
Ngayong nand'yan ka na 'di magmamadali ikaw lang ang katabi
Hanggang sa ang buhok ay pumuti
'Di na maghahanap ng kung anong sagot sa mga tanong
Dahil ikaw ang katiyakan ko
Hinding- hindi na ako bibitaw ngayong ikaw na ang kasayaw
Kung meron mang kulay ang aking nagsisilbing tanglaw
Ikaw ikaw ay dilaw
'Di akalain mararamdaman ko muli
Ang yakap ng panahon habang
Kumakalabit ang init at sinag ng araw
Sa lilim ng ulap
Mukhang 'di naman delikado
Kasi parang ngumingiti na naman ako
Kaya ngayon 'di na ko mangangamba
Kahit anong sabihin nila hm
Ngayong nand'yan ka na 'di magmamadali ikaw lang ang katabi
Hanggang sa ang buhok ay pumuti
'Di na maghahanap ng kung anong sagot sa mga tanong
Dahil ikaw ang katiyakan ko
Hinding- hindi na ako bibitaw ngayon ikaw na ang kasayaw
Kung meron mang kulay ang aking nagsisilbing tanglaw
Ikaw ikaw ay dilaw