menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Ngayon at Kailan Man

Basil Valdezhuatong
patnorthvalehuatong
歌词
作品
Ngayon at kailanman

Sumpa ko'y iibigin ka

Ngayon at kailanman

Hindi ka na mag iisa

Ngayon at kailanman

Sa hirap o ginhawa pa

Asahan may kasama ka,

Sinta....

Naroroon ako t'wina

Maaasahan mo t'wina

Ngayon at kailanman

Dahil kaya sa 'yo

Nang maitadhanang

Ako'y isilang sa mundo

Upang sa araw araw ay

Siyang makapiling mo

Upang ngayon at kailanman

Ikaw ay mapaglingkuran,

Hirang....

Bakit labis kitang mahal

Pangalawa sa maykapal

Higit sa 'king buhay...

Sa bawat araw ang

Pag ibig ko sa'yo, liyag

Lalong tumatamis,

Tumitingkad

Bawat kahapon ay daig

Nitong bawat ngayon

Na daig ng bawat bukas

Malilimot ka lang

Kapag ang araw

At bituin ay di na matanaw

Kapag tumigil ang daigdig

At di na gumalaw

Subalit isang araw pa matapos

Ang mundo'y nagunaw na...

Hanggang doon magwawakas

Pag ibig kong sadyang wagas

Ngayon at kailanman...

Sa bawat araw ang

Pag ibig ko sa 'yo liyag

Lalong tumatamis,

Tumitingkad

Bawat kahapon ay daig

Nitong bawat ngayon

Na daig ng bawat bukas...

Sa bawat araw ang

Pag ibig ko sa 'yo liyag

Lalong tumatamis,

Tumitingkad

Bawat kahapon ay daig

Nitong bawat ngayon

Na daig ng bawat bukas

Labis kitang mahal,

Pangalawa sa maykapal

Ngayon at kailanman.

更多Basil Valdez热歌

查看全部logo

猜你喜欢