Pag ibig ba natin madaling magwakas
Di ako naniniwalang ito ay kukupas
Kahit wala ka na'y mahal pa rin kita
Alam kong pakiusap ko'y maririnig mo pa
Magbalik ka lamang dito sa piling ko
Tatanggapin kitang muli wala ng siphayo
Buhay ang pag asang may pag ibig pa rin
Ibabalik kong muli gintong araw natin
Lumubog man ang araw sa kanluran kumubli
Hindi ako naligalig 'di ako nangamba
Pagkat alam kong habang buhay
May silangan pa
Nasisikatan ng araw
Upang sa muli'y ibigin ka
Magbalik ka lamang dito sa piling ko
Tatanggapin kitang muli wala ng siphayo
Buhay ang pag asang may pag ibig pa rin
Ibabalik kong muli gintong araw natin
Lumubog man ang araw sa kanluran kumubli
Hindi ako naligalig 'di ako nangamba
Pagkat alam kong habang buhay
May silangan pa
Nasisikatan ng araw
Upang sa muli'y ibigin ka
Lumubog man ang araw sa kanluran kumubli
Hindi ako naligalig 'di ako nangamba
Pagkat alam kong habang buhay
May silangan pa
Nasisikatan ng araw
Upang sa muli'y ibigin ka
Upang sa muli'y ibigin ka...