Yo, kamusta, everyone? Kamusta, everyone?
You already know who it is
Curse One, Lux Breezy (yep), Breezy Boyz, eh-eh-eh
JEBeats, whoa
(Martial Camp Records Entertainment) ooh, whoa, whoa, whoa
(Yes, sir) nabihag mo, part two
'Cause one night, ako'y nasa isang tagay session
Kasama ang mga Breezy Boyz, may konting conversation
Kamusta, Dhon? Kamusta, Vlync? Kamusta, Lux? Kamusta, Slick?
Masaya ako't magkakasama tayo ngayon
Pero paabot muna ng stick ng Marlboro na pula, mali, puti pala
Pero 'di na 'ko magpapaligoy-ligoy pa
Sabi ko sa 'yo, may sasabihin ako mamaya (uh)
Ako'y nahihiya (uh), huwag na lang kaya?
Aaminin o ililihim?
Kaso mukhang 'di mo talaga 'ko papatulugin
Ang kulit-kulit mo, sabi mo
'Di ka rin makakatulog 'pag 'di ko sinabi 'to sa 'yo
Pero pa'no ko ba sisimulan? Ako'y talagang kinakabahan
Buti na lamang, kahit na papa'no ay nakahanap ako ng paraan
Malamang ika'y maguluhan 'pag sinabi 'to sa 'yo
"Mahal na kita, ako ay nabihag mo"
Kahit ano'ng gawin ko upang maalis lang sa isipan ko
Kung ga'no ka kabait sa 'kin, sa tingin ko'y may kakaibang namamagitan sa 'tin
Ikaw ang sigaw, pintig ng puso ko
Salamat at naamin sa 'yo, ako ay nabihag mo (Lux Breezy)
Ipinapangako ko kung makikita kita
Ay hindi na magdadalawang-isip sabihin
Na, "Ako 'yong dati na sa 'yo'y nakatingin"
Puwede ba 'kong lumapit? Puwede ko bang sa 'yo tanungin na
'Di ba, ikaw 'yong babaeng anghel na dumaan sa 'king harapan?
Para bang nabuang, talagang ganiyan ang pakiramdam ko kasi
Ako'y in love na at nahulog sa pangalawang pagkakataon
Hindi ko na palalampasin ang bawat yugto
Ng kabanata nating dalawa kung saan una tayong nagtagpo
Ako'y nagulat, at biglang napahinto
Nang hinawakan mo ang aking kamay at sabay tayong umupo
Dahan-dahan mong sinabi sa 'kin na
"Gusto rin kita, sana no'ng una inamin mo na
Dahil ayaw ko na sanang magpaligoy-ligoy pa
Sasagutin kita ng 'oo' dahil mahal din kita"
Kahit ano'ng gawin ko upang maalis lang sa isipan ko
Kung ga'no ka kabait sa 'kin, sa tingin ko'y may kakaibang namamagitan sa 'tin
Ikaw ang sigaw, pintig ng puso ko
Salamat at naamin sa 'yo (ayy), ako ay nabihag mo
Ilang araw na ang lumipas bago pa 'yong gabi na 'yon
Napapansin na kita, ngunit ayaw lumingon ng puso ko
'Pagkat masyadong mataas ang paningin ko sa 'yo
Aminado akong masyadong malakas ang dating mo sa 'kin
Kabigha-bighani ka
Sa ningning ng iyong mata, ako'y nabatubalani na
Ngunit parang alanganin na abutin ang katulad mo
Parang 'di ko kakayanin
Masyado pang komplikado ang sitwasyon
Ayoko naman na samantalahin ang pagkakataon (oh)
Subalit 'di ko mapigilan ang pusong humanga nang sandali sa kabaitan mo
Kasalanan ba ng dalawang damdamin kung nagkakaintindihan 'to?
Na-na-na-nabihag mo, part two
Kung mayro'n akong mamahalin hanggang huli, that's you
"Thank God, I found you, " parang kanta ni Mariah (thank God, I found you)
Tayo lamang dalawa laban sa mundong madaya
Kahit ano'ng gawin ko upang maalis lang sa isipan ko
Kung ga'no ka kabait sa 'kin, sa tingin ko'y may kakaibang namamagitan sa 'tin
Ikaw ang sigaw, pintig ng puso ko
Salamat at naamin sa 'yo, ako ay nabihag mo
Kahit ano'ng gawin ko upang maalis lang sa isipan ko
Kung ga'no ka kabait sa 'kin, sa tingin ko'y may kakaibang namamagitan sa 'tin
Ikaw ang sigaw, pintig ng puso ko
Salamat at naamin sa 'yo
Ako ay nabihag mo, ako ay nabihag mo
Ako ay nabihag mo, yeah
Ako ay nabihag mo