Title: Pen Pen
By: Cyche
(Girl) Pen pen de sarapen
Ako nga ba'y mahal mo rin
Hawakan mo ang aking kamay
Ano nga ba tayo?
'Di sigurado
Kahit papaano
Ay aasa pa rin ako
Sa iyo
(Girl) Isang araw ika’y biglang tumawag
‘Kumain ka, wag magpapalipas’; (B: Hmmm)
Di man namalayan ang oras
Unti-unting nahulog sayo o giliw
(B and G:) Pen pen de sarapen Ako nga ba'y mahal mo rin?
(G) Hawakan mong aking kamay Ano nga ba tayo?
(B: Wag mong isipin, di ko maitatanggi)
(G) Di sigurado
(B: Na mahal kita ngunit kaibigan lamang talaga)
(G:) Kahit papano
(B: Hindi pa ako handa, at sana ay patawarin mo) Ay aasa pa rin ako
(B: Wag umasa pa, kaibigan lang ang turing sayo)
(B) Bakit ba hindi maiwasan
(G: sana’y iniwasan)
Pilit mang itago ang damdamin
Sadyang nahahalina sayo o ngunit
(B and G) Pen pen de sarapen
Ako nga ba'y mahal mo rin
(G)Hawakan mong aking kamay
(G) Ano nga ba tayo?
(b) (Wag mong isipin, di ko maitatanggi)
Di sigurado (Na mahal kita ngunit kaibigan lamang talaga)
Kahit papano (Hindi pa ako handa, at sana ay patawarin mo)
Ay aasa pa rin ako (Wag umasa pa, kaibigan lang ang turing)
Both: Sa iyo
G: Sana’y may tayo hmm
B: Pasensya na, ako ay patawarin mo.
(G) Pen Pen de Sarapen
Ako pa ba’y mahal mo rin?
B: Hmm
(B) Hindi ko man sinasadya
(G) Giliw sana'y dinggin
Both: Ang aking hiling
.