menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Lipad Ng Pangarap

Gary V.huatong
miss_b_starhuatong
歌词
作品
Taglay mo sa bagwis ng iyong paghayo

Ang pangako ng walang hanggang bukas

Pabaon man sayo'y hapdi ng puso

Aabutin ang pangarap...

At ang bunga ng wagas mong pagsisikap

Pag unlad nitong bayang nililiyag

Kapalit ng dalamhati't paghihirap

Pag angat ng kabuhayang marilag...

Liparin mo ang hangganan ng langit

Sa ulap ng pag asa ay iyong makakamit

Ang tagumpay na bunga

ng iyong pagpupunyagi

Pangarap ng inang bayang tinatangi.

Tutularan ka ng sunod na salin lahi

Kapuri puring pag aalay ng lakas

Nagpupugay sa makabagong bayani

Ang buong bansa'y nagpapasalamat

Liparin mo ang hangganan ng langit

Sa ulap ng pag asa ay iyong makakamit

Ang tagumpay na bunga

ng iyong pagpupunyagi

Pangarap ng inang bayang tinatangi...

Ingatan mo ang lipad ng pangarap

Umaasa sa iyo ang bayan mong naghihintay

Na kam'tin mo sa dulo ng

lahat ng iyong pagpapagal

Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay...

Ang tamis na dulot ng Iyong tagumpay...

更多Gary V.热歌

查看全部logo

猜你喜欢

Lipad Ng Pangarap Gary V. - 歌词和翻唱