menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Ala-ala Nalang

Hambog Ng Sagpro Krewhuatong
ucwawium1huatong
歌词
作品
Hambog Ng Sagpro Krew

Una sa lahat...

Gusto ko mag-paalam, lalong-lalo na sa 'yo

Dahil kahit sa'n ako mapunta, palagi mong hawak ang puso ko

Hindi ko ginusto ang ilayo ako sa 'yo mahal

Ngunit ito ang desisyon ng tadhana at Maykapal

Alam ko din ako'y magtatagal sa lugar na 'to

Na kung saan wala ka, kaya kulang-kulang ako

Hindi lang araw, hindi lang buwan kundi ilang taon

Tayo ay 'di magkikita, makakaya ko ba 'yun?

Sa tingin ko hindi, hindi ko kaya

Dahil ako'y mamamatay kapag wala ka

Wala ka na dito sa aking tabi kaya 'di na mapigil ang luha

Gusto kitang makapiling, mayakap, mahalikan, 'yun ang 'di ko pa makuha

Dahil ilang kilometro at milya ang ating distansya at ating pagitan

Pangungulila ko sa iyo, 'yan ang resulta ng aking biglaang paglisan

'Di ito madali para sa 'yo ngunit mas hindi madali 'to para sa 'kin

At alam kong hindi tayo magkakalapit kahit sa isang libong dalangin

Nadadama ang lungkot at puot, hinagpis at ang pagkabigo at pasakit

Ngunit gaano kaman kalayo sa 'king puso, palagi kang dito lumalapit

Iniisip ko kung bakit ganito ang langit, nilayo ako sa 'yo

Hindi ko matanggap, mahirap magpanggap na ako'y hindi bigo

Ngunit 'di ko rin inaasahang mangyayari 'to

Kung ikaw ay alaala na lang, paano na ako?

Binibilang ang mga araw hanggang sa 'king pag-alis

Habang palapit nang palapit, lalo akong nagtitiis

At tinatago ang nagmumuong lungkot sa 'king damdamin

'Di mo lang alam, 'di ko na kaya, 'di ko lang maamin

Dahil sabi mo sa akin masaya ka para sa 'kin

'Di mo lang alam ako'y nalulungkot na para sa 'tin

Dahil tayo'y magkakalayo na walang kalaban-laban

Ang masakit pa doon kung kailan pa tayo nagmamahalan

Nagmahalan pa tayong dalawa ngunit bakit ito naging plano?

Ng kapalarang naging malupit, ako'y inilayo sa 'yo ng eroplano

Habang ako'y nasa himpapawid, ako'y nakatingin sa mga alapaap

At iniisip na sa alaala na lang ba kita muling makakayakap

At sa gabi, nakatitig sa mga larawan na katabi ko sa 'king kama

Nakatingin at tinatanong dito na lang ba tayo magkakasama?

Nasa malayo na ang aking katawang tao

At parang pinipilas dahil puso ko'y naiwan diyan sa 'yo sa Pilipinas

Iniisip ko kung bakit ganito ang langit, nilayo ako sa 'yo

Hindi ko matanggap, mahirap magpanggap na ako'y hindi bigo

Ngunit 'di ko rin inaasahang mangyayari 'to

Kung ikaw ay alaala na lang, paano na ako?

Ang pilitin kong limutin na sa buhay ko'y wala siya

Ay parang pilit sinusuot singsing na hindi kasya

Dahil habang pinipilit, mas sumasakit ng todo kaya

Buhay ko ay parang musikang wala sa tono

'Di ba puwede naman magsama ang nagmamahalan?

'Di ba puwede naman, wala na din ang hiwalayan?

'Di ba puwede naman, sa pag-ibig walang hadlang?

At puwede ba siya ay ibalik na lang?

Walang matarik na bundok, walang karagatang malalim

Na aking tatawirin, maibalik ka lang sa akin

Dahilan kung ba't nabuhay sa 'kin ang pagkasawi

Ay ang pag-ibig na 'ting tama, na sa oras na-mali

At sana 'wag mong palitan diyaan sa puso mo

Ang pangalan ng lalaki na nagsabi na

"Mahal kita, paalam at mag-ingat ka palagi"

Noong aalis na siya at higit sa lahat, mamimiss kita

Iniisip ko kung bakit ganito ang langit, nilayo ako sa 'yo

Hindi ko matanggap, mahirap magpanggap na ako'y hindi bigo

Ngunit 'di ko rin inaasahang mangyayari 'to

Kung ikaw ay alaala na lang, paano na ako?

Paano na 'ko mamumuhay nito kung sa piling ko ay nawala?

Ang nag-iisang minamahal ko, makasama ko siya ay isa na lang bang himala

Alam ko na sa oras na 'to ay nakikinig ka, pinipigil mo ang pag-iyak

Sige, ilabas mo, 'wag pigilin ang emosyon ng iyong puso na nagkabiyak

Dahil ang alaala nating dalawa ay nag-iwan ng sugat na nakamarka

Sino ba naman ang hindi masasaktan kapag nalayo ang tao na mahal ka?

Kung minsan naisip ko din na 'wag nang ituloy itong nagawa ko na kanta

Dahil malamang 'pag narinig ko ito, sigurado na maaalala kita

Pero kahit piliting umiwas sa sitwasyon natin ay kusang bumabalik ang mga nakaraan

Kaya titulo ng kanta ko ngayon ay "Alaala na lang"

Dahil sa alaala na lang umiikot ang aking isipan na nalilito

At presensya ng pagmamahal mo sa akin ay dala ko lagi at naririto

Hindi man kita nabigyan ng materyal pero 'di mo alam ay iniwan ako

Ito ang isang bagay na 'di maluluma, 'yun ay ang pagmamahal ko sa iyo

Sana ay pagka-ingatan mo 'yan hanggang sa oras na ikaw ay muli kong balikan

Dahil ipinangako 'di na 'ko iibig sa puso ko, 'di ka mapapalitan

Iniisip ko kung bakit ganito ang langit, nilayo ako sa 'yo

Hindi ko matanggap, mahirap magpanggap na ako'y hindi bigo

Ngunit 'di ko rin inaasahang mangyayari 'to

Kung ikaw ay alaala na lang, paano na ako?

Iniisip ko kung bakit ganito ang langit, nilayo ako sa 'yo

Hindi ko matanggap, mahirap magpanggap na ako'y hindi bigo

Ngunit 'di ko rin inaasahang mangyayari 'to

Kung ikaw ay alaala na lang, paano na ako?

更多Hambog Ng Sagpro Krew热歌

查看全部logo

猜你喜欢