Araw-araw kong pinagmamasdan
Ang 'yong mukhang mahirap pintasan
Hindi ordinaryo
Aking kabisado
Ang mga bagay na dapat ay normal
Bigla na lang nagiging espesyal
Hindi maitago
Halatang may nagbago
Paru-paro
Nabubuo
Harding nasa sikmura ko
Anong gagawin?
Sa'n ba titingin?
Kinikilig ang aking kaluluwa
Nawawala ang angas ng mukha
Pisngi'y kulay rosas
Magkamatch ng pulseras
At simple lang
Ang kailangan ko sa'yo
Paru-paro
Nabubuo
Harding nasa sikmura ko
Anong gagawin?
(Anong gagawin?)
San ba titingin?
Lumilipad ang isip ko
Bumibilis ang pusong 'to
'Di mapakali
('Di mapakali)
Mapa-araw o gabi
Sana
Hindi ka mawala'y sakin
(Paru-paro nabubuo)
Sakin (Harding nasa sikmura ko)
(Paru-paro nabubuo)
(Harding nasa sikmura ko)
(Paru-paro)