Napadaan sa sabungan
May nagsisigawan
Noong aking tingnan manok na pula
Mukhang matapang
Ang pera ni misis
Na dapat ay ihulog ko sana sa Palawan
Aking pinusta sa manok na pula
Mukhang tatama 'yan
Nagsimula ang salpukan
Manok na pula
Biglang tinamaan
Nag gewang gewang
Sa isang iglap lang
Ako'y kinabahan
Hindi nakatayo patay napuruhan
Ang perang hulog sa Palawan
Tinalo ko sa sabungan
Noong umuwi sa may bahay
Ako'y matamlay
Ako'y nagsisi ubos ang money
Darling I'm sorry
Ako'y hinoldap ng tatlong lalaki
Doon banda sa may palengke
Pero ang misis ko hindi maloko
Kinarate ako
Basag basag ang mukha ko
Ang darling ko
Ay magaling pala
Siya sa taekwando
Lahat ng sipa nya
Ay sinapol ako
Dati rin pala siyang champion sa aikido
Sa sobrang galit ng misis ko
Bali bali mga buto ko
Ang perang dapat sa anak ko
Ay tinalo ko
Naakit ako ng gagong demonyo
Kaya kinastigo ako ng darling ko
Nang dahil sa sugal napahamak ako
Kaya kayong mga sabongero
Wag mag asawa ng champion sa judo