Pabigla-bigla, agad nahagilap
Sa 'yong mga mata ang tanging hinahanap
Mukhang ikaw na nga ang itinalagang makasama
Ah-ah-ah-ah
Oh, damang-dama na ang pagsinta
Tadhana ba'ng may pakana? 'Di ko alintana
Sa iyo lang ako tumutugma
Ah-ah-ah-ah, ah-ah, ah-ah
Ah-ah-ah, ah-ah-ah-ah
Ibigin mo 'kong dahan-dahan
Tayong matuto, sasamahan sa hintayan
Ako'y sa 'yo't sa akin ka
'Wag mabahala, 'lika't sumandig ka
Oh-oh-oh, oh-oh-oh
Hmm-mmm, hmm
Noon, ako'y kabado, ngayo'y walang takot
Nakakapanibago, hiwaga ang dulot
Ng 'yong bawat galaw, siguro nga, ikaw na
Ang kaisa-isang para sa 'kin
Ibigin mo 'kong dahan-dahan (dahan-dahan), dahan-dahan
Tayong matuto, sasamahan sa hintayan (sasamahan)
Ako'y sa 'yo't sa akin ka
'Wag mabahala, 'lika't sumandig ka
Damang-dama, 'tinalagang para sa 'kin ka
Damang-dama, 'tinalagang para sa 'kin ka
Damang-dama, 'tinalagang para sa 'kin ka
'Wag mabahala, 'lika't sumandig ka