menu-iconlogo
logo

Kislap Nasyonalyan

logo
歌词
Kumikinang

Kumikintab

Mga parol at palamuti

Simoy ng hangin

Nasyonalyan

Halina't damhin

Diwa ng pasko

Yaong isa-puso mo

Magbigayan tayo

Magmahalan nang buong-buo

Alam mo ba kung anong saya

Ang dulot ng pagsasama-sama

Sa araw ng kapaskuhan

Aasang tayo'y magkapatawaran

Magliliwanag ang pasko

Sabay ng kislap ng mga tala

Aahon sa alon ng lungkot

Dalang kulay ang bughaw at ginto

Maghahari ang ligaya

Magkapiling tayo at magkakasama

Puso'y sumisigla

Paskonalyan ramdam ko na

(Uh)

Wala nang papantay sa panahon

'Pag Nasyonalyan ang makakasama

Mo ngayong pasko

Mga tito, mga tita; magsitago na kayo

Kapag nahanap ko kayo, bless po!

(Mano po)

Walang mas hihigit pa

'Pag kasalo sa Noche Buena

Buong mundo ay magdidiwang

Basta ba'y makakapiling ka

Parang ang bagal-bagal

Ng ikot ng mundo

Tuwing makakapiling lagi sa

Pag-sapit pasko

Alam ko na

Sumama ka

At hindi ka na mag-iisa

Alam mo ba kung anong saya

Ang dulot ng pagsasama-sama

Sa araw ng kapaskuhan

Aasang tayo'y magkapatawaran

Kwento ng pasko

Ikaw at ako

Harapin ng may ngiti sa'ting puso

Pagmamahal at pagtulong mo

Nasyonalyan ang pamilya ko

Magliliwanag ang pasko

Sabay ng kislap ng mga tala

Aahon sa alon ng lungkot

Dalang kulay ang bughaw at ginto

Maghahari ang ligaya

Magkapiling tayo at magkakasama

Puso'y sumisigla

Paskonalyan ramdam ko na