Wag biruin ang pagmamahal
Ito'y biyayang marangal
Ang hiwaga niyang dinadala
Di mahirap bigkasin ng sino man
Batid na nga
O nililhim pa
Nasa dilim man
O liwanag siya
Basta't tunay at tapat
Timbangin mo't kay bigat
Puso lamang ang siyang may buhat
Inaamin ko nang minamahal kita
Puso na rin ang may hiling nito sinta
Isang lihim na 'di ko na maikukubli
Kasalanan nito
Kung 'di ko masabi
Inaamin ko na
Nang ikaw ay masilayan na
Para bang isang pangarap ka
At naghalo ang saya't kaba
Ng tayo'y magkakilala na
Laking takot ko ang lapitan ka
Baka maglaho kang parang bula
At bigla kang mawala
Kung saan pa mapunta
Mauwi sa piling ng iba
Inaamin ko nang minamahal kita
Puso na rin ang may hiling nito sinta
Isang lihim na 'di ko na maikukubli
Kasalanan nito
Kung 'di ko masabi
Inaamin ko na
Minamahal kita
Inaamin ko nang minamahal kita
Puso na rin ang may hiling nito sinta
Isang lihim na 'di ko na maikukubli
Kasalanan nito
Kung 'di ko masabi
Inaamin ko na
Minamahal kita
Wooh ooh