menu-iconlogo
huatong
huatong
josue-bulalakaw-cover-image

bulalakaw

Josuehuatong
rollin_18huatong
歌词
作品
Sabi ng iba pagka-nakakita ng bituin na palagapak, humiling ka

Sabi ng iba katuparan ng pangarap ay nakasalalay sa batong kumikinang

Gusto kong mag-rap, mga boses sa'king utak ay sumisigaw

Sa loob ng rehas na gawa sa aking mga bara

Ngayo'y napuno na kaya nga bumibitaw, pa'no 'yan?

Kahit kelan 'di pa nakakita ng ganyan

Ibig sabihin ba'y wala na 'kong paglalagyan?

'Yokong makilala dahil sa katangahan

'Lam ko naman laging merong paraan, kaya paraan, wooh

Ilang beses na rin nadapa sa daan

Bakit ito ata 'yung inaabangan

Medyo napataas yata ang aking lipad

'Wag ka nang magtaka dahil

Sobra-sobra nang pagkalulong sa musika

Tingin mo 'to'y suntok sa buwan? Bubugbugin ko pa

Tingin mo 'to'y kabaliwan? Bibig pakisara

Manood ka lamang d'yan, aking papakita

Ayaw mo? 'Di bale na tuloy pa rin 'to

Kahit na 'lam ko namang mas interesado ka

Sa aking pagbagsak kaso'y wala

Musika'y legal malalampasan ko na nga 'yung alapaap

'Yoko mag-antay ng bulalakaw

Susubukan ko na ngayong gumalaw

Kahit ang liwanag ay 'di matanaw

Taas kilay ko na 'tong isisigaw, wooh

'Yoko mag-antay ng bulalakaw

Magbubunga rin 'to balang araw

Si Bathala magsisilbing tanglaw

'Yoko mag-antay ng bulalakaw, wooh

Yah, parang 'di ka yata kumbinsido

Nahinaan ka ba sa'king liriko?

'Di pa gaanong kapulido inaamin ko

Matagal-tagal na nga rin akong nag-ensayo

'Di ako titigil dahil lang sa'yo

Kahit pa ako'y tawa-tawanan mo

Siguro inakala mong ako'y nagbibiro

Nung sinabi kong matutupad

At mangyayari rin lahat ng aking mga plano

Kaliwa't kanang tenga'y aking sasarado

Negatibo na komento mo'y tablado

Pantasya ko ay magtanghal sa entablado

Kaya ako'y mananatili na ganado

Mga sinabi ko sa bato'y itaga mo

Sino kaya sa'tin magmumukang payaso

Kapag nalaman mong isa na 'ko sa mga

Bakit may naririnig pa rin akong tunog?

Sino bang nagsasalita at bumubulong?

Sino bang nagtatangkang manghatak nang manghatak

Pababa hanggang sa ako ay matutong?

Sukuan mga bagay na ginusto

Urungan mga laban ko sa mundo

Sino ba talaga ang walang tiwala sa sarili ko?

Kayo ba o ako?

Yeah, yeah

Kayo ba o ako? Kayo ba o ako?

Kayo ba o ako? Sino nga bang salarin nito

O ako nga ba ay may sala rin?

Pagkalito ko'y mukang hindi ko na rin 'to maihinto

Kayo ba o ako? Madaya ba talagang mundo?

Kaya tayo'y pinapaikot dito sa loob?

Alam ko naman na ako ay may kakayahan

Hindi ko hahayaang ako'y bumagsak at manatiling ganito

'Yoko mag-antay ng bulalakaw

Susubukan ko na ngayong gumalaw

Kahit ang liwanag ay 'di matanaw

Taas kilay ko na 'tong isisigaw, wooh

'Yoko mag-antay ng bulalakaw

Magbubunga rin 'to balang araw

Si Bathala magsisilbing tanglaw

'Yoko mag-antay ng bulalakaw, wooh

更多Josue热歌

查看全部logo

猜你喜欢