Habang ako'y naglalakad
Para akong maiiyak
Dahil ako'y binasted mo
Parang pasan ko ang mundo
Ano ba namang masama doon sa sinabi ko
Walang masama doon
Basta iwanan mo kong mag-isa
Bakit kailangan pang sigawan ako
E kasi ang kulit mo
Kaya sige magdusa ka
Para sinabi ko lang na mahal kita
E hindi nga kita mahal e
Agad sa akin ay nagalit ka
Puro ka drama
Drama ka ng drama
Alam kong kaibigan lang
Ang turing mo sa akin
Ngunit ito ang utos ng damdamin
Alam kong kaibigan lang
Ang turing mo sa akin
Ano ang aking gagawin
'Di eto ang yung gawin
Pwede mo ba 'kong pabayaan
Nakakasuya ka
Pwede mo ba 'kong lubayan
Kahit alam ko naman na
Wala ka sa 'king pagtingin
'Di pa rin magsasawa
Ang pusong magpapansin
Kahit ilang beses mo pa na
Ako'y iyong biguin
Pero magbabakasakali ako na
Ikaw ay magising
Na isang araw masabi mong
Ako'y iyong mahal
Kahit isang malaking kalokohan
Pero 'yan aking dasal
'Pagkat ang puso kong ito
Pangalan mo'y binubulong
Bakit mahal kita
Ang lagi kong tinatanong
Kasi ikaw ang baby
Ikaw ang honey
My lovey dovey
Please believe me
Lingunin mo sana ang baliw na tulad ko
Kahit sukang suka ka na
Sa pagmumukha ko
Alam kong kaibigan lang
Ang turing mo sa akin
Ngunit ito ang utos ng damdamin
Alam kong kaibigan lang
Ang turing mo sa akin
Ano ang aking gagawin
Ilang beses kong sasabihin
Na ayoko sayo
Ilang beses kong uulitin
Na 'di kita gusto
Ano ang aking gagawin
Para ikaw ay mahabag
Gusto mo tumalon na 'ko
Sa ikatlong palapag
Para malaman mo lang (ano)
Na minamahal kita (ha)
Kahit na mabali ang buto (okay lang yun walang problema)
Basta pakinggan mo lang
Ang pusong inlab sayo
Kahit na alam kong
De-kotse ang gusto mo (may kotse naman kami ah oh di kaya)
Pero magsisikap ako
Alang alang sa iyo
Kahit sardinas ulam ko (masarap naman yan)
Kaya pagsasaluhan natin
Ang init at lamig
Kahit pag-ibig mo sa 'kin
Sing lamig ng palamig
'Di pa rin ako susuko
Kahit anong mangyari
Liligawan pa rin kita
Kahit ika'y magmadre
Alam kong kaibigan lang
Ang turing mo sa akin
Ngunit ito ang utos ng damdamin
Alam kong kaibigan lang
Ang turing mo sa akin
Ano ang aking gagawin
Di uminom ka na ng lason
Para hindi ka na maghirap
Pumunta ka sa condo
At dun ka magpasaksak
Kung ako'y sasagutin
At iyong mamahalin
Magbubuhay reyna ka
Dun sa bahay namin
Ipagluluto kita
Ipaglalaba pa
At habang natutulog ka
Papaypayan pa kita
Tapos gagawa tayo
Ng anak na isang dosena
Ganda ng plano ko no
Pangarap mong nakakatawa
Para kang si Long Mejia
Ang kulit wala kang hiya
Pero ika'y tinitibok
Kaya lahat ay kinakaya
Kahit 'di mo masikmura
Parang presong bagong laya
Pero ang nadarama
Hindi ko pwede tong madaya
Ako'y tumanda ng binata
Di mo pa sinasagot
Pero maghihintay pa rin
Kahit puti na ang buhok
Alam kong kaibigan lang (alam mo naman pala e)
Ang turing mo sa akin (ano pang ginagawa mo)
Ngunit ito ang utos ng damdamin (e di utusan mong wag akong mahalin)
Alam kong kaibigan lang (e ba't ang kulit mo)
Ang turing mo sa akin (ano ngayon kung ikaw si Lito Camo)
Ano ang aking gagawin
Alam kong kaibigan lang
Ang turing mo sa akin
Ano ang aking gagawin
Ano ang aking gagawin
Pa'no ba yan
Ikakasal na ko
Kanta ka pa ng kanta dyan
Punta ka ah