Minsang natikman
ang init ng iyong halik
Akala ko, narating ko na
ang ulap sa langit
Sa aking pagpikit,
ang tanging naisip
Ikaw na sa hanggang wakas
ang aking pag-ibig
Ngunit biglang nagbago ka,
hindi na madama
Kapag kapiling na kita,
nanlalamig ka na
Bakit ganiyan ang 'yong pag-ibig
Na ang akala ko ay langit
Nilaro-laro mo lamang
ang pusong naiidlip
Sa yakap mo ay nagayuma
Pag-iwas ay 'di ko na kaya
Hanggang ngayo'y
hinahanap-hanap pa rin
Ang lason mong halik
Apoy na dati-rati,
kay init ng liyab
Agad akong nadadarang
kapag ikaw ay yumakap
Ngayo'y nag-iisa,
laging nilalamig
Nawala na ang lahat-lahat,
ito'y naging panaginip
Ngunit biglang nagbago ka,
hindi na madama
Kapag kapiling na kita,
nanlalamig ka na
Bakit ganiyan ang 'yong pag-ibig
Na ang akala ko ay langit
Nilaro-laro mo lamang
ang pusong naiidlip
Sa yakap mo ay nagayuma
Pag-iwas ay 'di ko na kaya
Hanggang ngayo'y
hinahanap-hanap pa rin
Ang lason mong halik
Bakit ganiyan ang 'yong pag-ibig
Na ang akala ko ay langit
Nilaro-laro
mo lamang ang pusong naiidlip
Sa yakap mo ay nagayuma
Pag-iwas ay 'di ko na kaya
Hanggang ngayo'y
hinahanap-hanap pa rin
Ang lason mong halik