Sa bawat pintig ng aking puso
Nararamdaman Iyong Pagsuyo
Bawat araw awa Mo’y bago
Salamat sa pagdinig sa mga daing ko
Salamat ako’y may mga kapatid
Dumadalanging walang patid
Sa katuwirang pinababatid
Salamat sa Iyong gawang di malirip
Ikaw ang pagibig na nananatili
Ikaw ang ligaya kung may dalamhati
Ikaw ang pag-asa ‘pag napipighati
Salamat Oh Ama sa ‘Yong pagkandili
Iyong salita’y aking kaaliwan
Kagalaka’y Iyong kautusan
Inihahayag itong kahilingan
Samahan Mo ako magpakailan pa man
Ikaw ang pagibig na nananatili
Ikaw ang ligaya kung may dalamhati
Ikaw ang pag-asa ‘pag napipighati
Salamat Oh Ama sa ‘Yong pagkandili
At doon sa langit na Iyong bayan
Nawa’y makarating aking kaliitan
Pangarap makasama buong kapatiran
At makapiling Ka sa walang hanggan
At makapiling Ka sa walang hanggan..