Nang minsan ako'y umibig
At nangarap ng lubusan
Damdamin ko'y umasa
Sana ito ay wala ng hangganan
Saan ba patutungo
Ang sinisigaw ng puso
Ako ay napaso sa laro
Ng tadhanang tila mapagbiro
Kaya ng dumating ka
Sa buhay kong tahimik
'Di handa 'di akalain
Unti unti mong ginising
Ang damdamin kong nahimbing
Mayro'n palang ganitong pag ibig
Pag ibig
Walang kundisyon
Wala ring pasubali
Wala ring pasubali
Handa kong yakapin
Mapaglaro mong damdamin
Lahat ng 'yong nakaraan
Handa kong tanggapin
Ikaw lang ang aking mamahalin
Ikaw lang ang mamahalin
Malalim ang damdamin kong
Higit pa sa inaasahan
Ito'y isang panaginip lamang
Tanggapin ang katotohanan
Kaya ng dumating ka
Sa buhay kong tahimik
'Di handa 'di akalain
Unti unti mong ginising
Ang damdamin kong nahimbing
Damdamin kong nahimbing
Mayro'n palang ganitong pag ibig
Pag ibig
Walang kundisyon
Wala ring pasubali
Wala ring pasubali
Handa kong yakapin
Mapaglaro mong damdamin
Lahat ng 'yong nakaraan
Handa kong tanggapin
Ikaw lang ang aking mamahalin
Mayro'n palang ganitong pag ibig
Pag ibig
Walang kundisyon
Wala ring pasubali
Wala ring pasubali
Handa kong yakapin
Mapaglaro mong damdamin
Lahat ng 'yong nakaraan
Handa kong tanggapin
Ikaw lang ang aking mamahalin
Mamahalin
Habangbuhay
Ikaw lang ang aking mamahalin