Htroy 80 
Noong una kang makita, alam mo ba sinta 
Ako ay nagalit ,dahil masungit ka 
Ngunit hindi naglao't nakilala rin kita 
Marunong karin naman palang tumawa.. 
At ng kita'y kausapin ako'y nangangamba 
Na Baka ika'y magalit at umiwas ka sinta 
Ngunit ako'y namangha 
dahil sa iyong pinakita 
hindi ka naman pala totoong suplada. 
Minahal kita, hindi lang 
dahil maganda ka 
Minahal kita , hindi rin 
dahil mahinhin ka 
Minahal kita lalong hindi 
dahil mayaman ka 
Minahal kita sa taglay mong pambihira 
  Minsan ako'y lumisan akala ko hirang 
Iyong kalilimutan ang bakas ng suyuan 
Ngunit aking nalaman 
buhat sa isang kaibigan 
Ginagabi ka raw sa ating tagpuan 
Minahal kita, hindi lang 
dahil maganda ka 
Minahal kita , hindi rin 
dahil mahinhin ka 
Minahal kita lalong hindi 
dahil mayaman ka 
Minahal kita sa taglay mong pambihira 
Minahal kita, hindi lang 
dahil maganda ka 
Minahal kita , hindi rin 
dahil mahinhin ka 
Minahal kita lalong hindi 
dahil mayaman ka 
Minahal kita sa taglay mong pambihira.. 
Minahal kita sa taglay mong pambihira.. 
Minahal kita sa taglay mong pam bihira.. 
Maramingsalamat po!