Madalas kitang makitang may kasama
Magkahawak ang mga kamay
Bumibigat ang puso ko
Laging nangangarap na ako'ng kapiling mo
Dapat nga kaya'ng sa'yo ako'y
Humanga kahit na ako'y meron ng iba
Pigilan man ang puso ko tuwid man ang tingin
Lumilingon ang isip ko
Ang puso ko ay naliligaw ang puso ko ay naliligaw
Bakit kay tagal ng hinihintay at ngayon ka lang nakita
At di na ko maliligaw at di na ko maliligaw
Kung sasabihin mong ikaw at ako ang magkapalad
Kung sakali mang magulo itong damdamin
Naghahabol sa'yong nagdaan
Nauna ng pagsuyo nya'y lihis sa'yong landas pagkat tayo ang tadhana
Paglalaro mo ang aking isipan
Halik at yakap mo ang mararamdaman
Akala ko'y nabihag nya
Ang puso kong itong sayo'y malayang nagpasya
Ang puso ko ay naliligaw ang puso ko ay naliligaw
Bakit kay tagal ng hinihintay at ngayon ka lang nakita
At di na ko maliligaw at di na ko maliligaw
Kung sasabihin mong ikaw at ako ang magkapalad
Di ko kayang masaktan ang damdamin
Siya'y nagmamahal ng tunay sa'kin
Paano na ang aking pusong (paano na)
Ikaw lamang ang tanging buhay (ikaw lamang ang tanging buhay)
Ang puso ko ay nanliligaw
Ang puso ko ay naliligaw
Bakit kay tagal nang hinihintay
At ngayon ka lang nakita
At di na ako manliligaw
At di na ako maliligaw
Sana nga'y maging ikaw at ako (sana nga'y ikaw at ako)
At wala ng hahanapin pa