Kung ako ang laman ba't hindi pa sabihin
Ang yong nararamdaman kailan kapa aamin
Lalo lang ito magtatagal kung nililihim pa ang yong pagsinta
Sana wag saking magtampo kung ako man ay lalayo
Ako'y punong puno na sayo
Mr pakipot ka nga hanggang kailan ba ganto
Mr pakipot o ayaw mo bang malaman ko
Mr pakipot ako'y naiinip pag ako'y nangangamba
Baka diko lang masabi sayo
Na gusto rin kita
Na gusto rin kita
O para di kana kabahan
'Pag sa malayo nakasilip nakakatunaw ang titigan
Pero nawawala paglapit sana ay iyong masabi pa kung ako'y gusto na
Maunahan ka pa
Kaya 'wag kana magpanggap
Na parang 'di magtatapat
Ako'y naiinis na sayo
Mr pakipot ka nga hanggang kailan ba gan'to
Mr pakipot o ayaw mo bang malaman ko
Mr pakipot ako'y naiinip at ako'y nangangamba
Baka di ko lang masabi sayo
Na gusto rin kita
Mr pakipot ba't ako'y pinapaikot
Hindi ba dapat ako ang nagpapakipot kipot
Ano ba talaga ang 'yong nadarama
Ang dami diyang iba pero inaantay ka
Mr pakipot baka ako'y mauntog pa
At makalimutan na nandiyan ka pala
Kaya saklolohin o bakit hindi
Ang pusong pinahihintay hindi ba't mali
Kaya naman mr pakipot lumapit ka nalang
At sabihin mo sa akin ang nararamdaman
Mr pakipot 'wag ka nang matakot pa
Para masabi ko sayo na mahal kita
Mr pakipot ka nga hanggang kailan ba gan'to
Mr pakipot o ayaw mo bang malaman ko
Mr pakipot ako'y naiinis at ako'y nangangamba
Baka di ko lang masabi sayo
Na gusto rin kita
Na gusto rin kita
Na gusto rin kita
Na gusto rin kita