menu-iconlogo
logo

R. O. T.

logo
歌词
Woh

Makktown

Omar B

Clr yo

Yeah

Masipag malamang (8 beats)

We're right on time

Kalmado lang kaya hindi ako nagmadali

Tao lang minsan din akong nagkamali

Ang daming plano 'di ako mapakali

Kahit na anong para 'di ako mapatabi

Gagawin ang lahat upang makalapit

Mata ay nasa premyo sana makadagit

Subok lang nang subok hanggang sa makulitan

Touch move pag-isipan walang ulitan

Lahat pinaghirapan hindi 'to overnight

Meron 'yang resibo hindi 'to overpriced

Hindi rin mabilis pero dumating

Omar baliw po i'll just do my thing

Kung ano ang nakikita n'yo sa amin 'yun kami

Walang palamuti sapagkat

'Di na kailangan ng gano'n upang aprubahan n'yo pre

Kami ay 'di para sa lahat

Ngunit naitala 'to sa kwaderno ko

Babakat aming pangalan sa ayaw at sa gusto n'yo

Katuwang ng madiskarte ang masipag malamang

At dumating din right on time

We're right on time

Makikilala sino'ng tunay sa pagkasawi

Doble kayod tatlong balik nagbabawi

Hindi lahat ng kasama ngayon ay kakampi

'Yung iba ay nag-ipon ng hate tapos gaganti

Kaya salain 'di puwedeng makalusot

Malinis magtrabaho plantsahin mga gusot

Balik sa plano kuhain natin pera

Kapayapaan sawa na 'ko sa giyera

Kalaban nating parehas ay kahirapan

Kaya 'yung kapwa mo ay 'wag mong pahirapan

Kasamang palipad do'n sa himpapawid

Hindi gano'n kadali pero still itatawid

Kung ano ang nakikita n'yo sa amin 'yun kami

Walang palamuti sapagkat

'Di na kailangan ng gano'n upang aprubahan n'yo pre

Kami ay 'di para sa lahat

Ngunit naitala 'to sa kwaderno ko

Babakat aming pangalan sa ayaw at sa gusto n'yo

Katuwang ng madiskarte ang masipag malamang

At dumating din right on time

We're right on time

Pasensya na kung medyo matagal ihain

Siguradong may sustansya 'pag kinain

Gusto ko mabubusog pati kaluluwa

Lahat natatakam lahat natutuwa

Buti nagpatuloy 'di lang kumuyakoy

Daming nanghusga daming tumuya noy

Sa halip manghina lalong lumakas

Kaya 'yung xp lalong tumaas

Libo-libo lang pero naging m

Bukas na libro never naglihim

Omar baliw po alam mo sa'n nanggaling

Puro tunay lang hindi 'to sinungaling

Tawag dito ay survival of the fittest

Kamit ko na ang buhay na dati kong fine-fetish

Hihinto pa ba 'ko mukhang hindi na 'di pa finish

Line 'to tol tabi bago pa 'ko sisipsipan ng leeches

Boy mind your own business

Ang taktika diyan ay 'wag kang mangialam

Diligan n'yo lang ang sarili n'yong halamanan

Ngayon mo malalaman na nililinlang din tayo ng agham

Aking luha't dugo't pawis pala magpapabunga ng

Aking hardin finally featured sa magazine

Ngayon ang wallet ko sa'king bulsa'y sarap salatin

'Di n'yo nakikita'ng hirap ng aming nadadaanan

Lungkot muna bago saya ang aming nararanasan

Madiskarte lang kami at masipag malamang

So we came right on time right on time

Kung ano ang nakikita n'yo sa amin 'yun kami

Walang palamuti sapagkat

'Di na kailangan ng gano'n upang aprubahan n'yo pre

Kami ay 'di para sa lahat

Ngunit naitala 'to sa kwaderno ko

Babakat aming pangalan sa ayaw at sa gusto n'yo

Katuwang ng madiskarte ang masipag malamang

At dumating din right on time

We're right on time

Kung ano ang nakikita n'yo sa amin 'yun kami

Walang palamuti sapagkat

'Di na kailangan ng gano'n upang aprubahan n'yo pre

Kami ay 'di para sa lahat

Ngunit naitala 'to sa kwaderno ko

Babakat aming pangalan sa ayaw at sa gusto n'yo

Katuwang ng madiskarte ang masipag malamang

At dumating din right on time

We're right on time

R. O. T. Omar Baliw/CLR - 歌词和翻唱