menu-iconlogo
logo

Kalmado, Pt. 2

logo
歌词
Darating din ang para sayo, darating din ang para sayo

Darating din ang para sayo, para sayo, para sayo.

I (Omar Baliw):

Matagal tagal din na sumubok, hindi nangalay

Hindi rin birong sakripisyo, aking inalay

Tanim dilig inalagaan, mas sinipagan

Sagabal sa aking paglago, ay inilagan

Sadyang mapaglaro ang mundo, inutakan

Panis parin ang kahirapan, inupakan

Hindi nagpakulong sa kahon, nilawakan

Ngayon kaginhawaan lamang, ang hinawakan

Nasanay lang din kakalakbay

Kakasagwan walang kasabay

Walang kaakbay

Papalag at kakalag yan sa buhay, dapat malaya

Sasalag yan s′yang tunay, wag kang madaya

Pumapatak na ang oras, maging mautak

Kahit ano pa man humarang, dapat matulak

Sulitin lamang bawat araw sagadin

Wag ng pakawalan pagkakataon sakalin

Manatili kang nakatayo, lumakad hanggang sa makalayo

Darating din ang para sayo, basta wag kang mauubusan

Nang diskarte't lakas ng loob, sa pagsubok wag kang pataob

Darating din ang para sayo, basta wag kang mauubusan

II (Ron Henley):

Kilala nyo naman ako malihim

Sa isang kagatan may tatoong ibig sabihin

Pagpasensyahan n′yo nako, akala ko kasi sapin-sapin

Ang kakaning nais ninyong kainin

Sanay sa puyatan kaya naman madalas tinutulugan

Sa una mahirap makuha ng isang upuan

Sa bawat inuman may aral ka ring kapu-pulutan

Mas maigi na rin sinubukan kesa sinukuan

Ika nga ni Gloc, mangarap ng mataas

Kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas

Ako yung ligaw ng tupang napadpad sa may kambingan

Nagising bigla yung diwang natutulog sa pansitan

Lakad pasulong kahit madaming nakaharang

Dinaanan ang lansangan bibihira lang lakaran

Tinuloy tuloy ko lang hanggang sa makabisa

At malay mo naman sa makalawa makaisa

Manatili kang nakatayo, lumakad hanggang sa makalayo

Darating din ang para sayo, basta wag kang mauubusan

Nang diskarte't lakas ng loob, sa pagsubok wag kang pataob

Darating din ang para sayo, basta wag kang mauubusan

Darating din ang para sayo (para sayo)

Maghintay kung hindi man ngayon (hindi man ngayon)

Daming balakid alam mo na 'yon (alam mo na ′yon)

Pero darating din ang para sayo

Manatili kang nakatayo, lumakad hanggang sa makalayo

Darating din ang para sayo, basta wag kang mauubusan

Nang diskarte′t lakas ng loob, sa pagsubok wag kang pataob

Darating din ang para sayo, basta wag kang mauubusan

Darating din ang para sayo, darating din ang para sayo

Darating din ang para sayo, para sayo, para sayo.

Kalmado, Pt. 2 Omar Baliw - 歌词和翻唱