Woahhh yeah yeah
Kalmado lang na nasa gilid at tahimik
Sinusulit ang hanging umiihip
Kalmado lang na nasa gilid iniisip
Ang mukha mo na nasa panaginip
Kalmado lang na nasa gilid at tahimik
Sinusulit ang hanging umiihip
Kalmado lang na nasa gilid iniisip
Ang mukha mo na nasa panaginip
Di ko rin alam kung pano to nangyari
Ako'y na gising na lang na bago ang sarili
Parang pala isipang tila di ko mawari
Mga katotohanang tila parang kunwari lang
Unti unti ng lumilinaw ang aking mga mata
Pero di ako magpapasilaw
Alam ko kung anong mas mahalaga
Susuriin mga bawat ilaw lalo pag nakita na kakaiba
Dahil ayoko ng tiisin ang liwanag
Na palaging pansamatala
Kaya kahit madalas na bugbog at pagod
Ginuguhit planong ruta hakbang tungo sa tuktok
Alas tres ng umaga 'gang dapuan ng antok
Kinabukasan di parin mapalagay aking loob
Kaya patuloy parin ako sa paghakbang
Dahan dahan lang
Kahit gaano katarik ang akyating hagdan
Makakaya yan
Pupunan ko ang mga patlang
Kahit may humadlang saking mga pinto
Bubungkalin ang lalim ng aking kaisipan
Hanggang sa makamit ang ginto na inaasam ko
Kalmado lang na nasa gilid at tahimik
Sinusulit ang hanging umiihip
Kalmado lang na nasa gilid iniisip
Ang mukha mo na nasa panaginip
Kalmado lang na nasa gilid at tahimik
Sinusulit ang hanging umiihip
Kalmado lang na nasa gilid iniisip
Ang mukha mo na nasa panaginip
Kahit abutin ng madaling araw
Mananatili ang gutom at uhaw
At kung hingal na sa aking pag galaw
Tagumpay ay akin ng tanaw
Malabo ng ako'y mapagod
Ako ay sabik mahawakan ang iyong kamay
Kay tagal ko naring naghintay
Tatawirin kahit anong tulay
Kahit pa ikamatay
Pag dumating
Ang oras na aking minimithi
Salamat sa inyong pagdinig
Kayo ang rason ng aking pag bunyi
Hanggang sa huli
At kung gaano kalakas ang bagyo
Kalmado lang naman ako
Ilalahad ang aking mga kwento
Ako'y hindi na hihinto
At kung gaano kalakas ang bagyo
Kalmado lang naman ako
Ilalahad ang aking mga kwento
Ako'y hindi na hihinto
Ako'y hindi na hihinto
Kalmado lang na nasa gilid at tahimik
Sinusulit ang hanging umiihip
Kalmado lang na nasa gilid iniisip
Ang mukha mo na nasa panaginip
Kalmado lang na nasa gilid at tahimik
Sinusulit ang hanging umiihip
Kalmado lang na nasa gilid iniisip
Ang mukha mo na nasa panaginip
Kalmado lang na nasa gilid
Nasa gilid
Laging nasa gilid lang
Nasa gilid
Laging nasa gilid lang
Nasa gilid
Laging nasa gilid lang
Nasa gilid
Laging nasa gilid lang