Bakit nalayo sa piling mo 
Tinatanong pa rin sa isip ko 
Kung nagkulang ba, anong masisisi 
Kumakapit ba sa'yo hanggang huli 
Nagbubulag-bulagan ang damdamin ko 
Sa tuwing naaalala ang lahat-lahat 
Pa'no aaminin 
Di ka na sa akin 
Bakit ba hindi ko magawa na matanggap 
Labis ang dalangin 
Na ika'y limutin 
Pa'no kung hindi na kaya pa na magpanggap 
Pa'no ang lahat 
Dumadalas na ang pagtataka 
Tama pa ba 'tong nadarama 
O baka kailangan lang ng panahon 
Naghihintay pa rin hanggang ngayon 
Nagbubulag-bulagan ang damdamin kong 
Kinakailangang tanggapin lahat-lahat 
Pa'no aaminin 
Di ka na sa akin 
Bakit ba hindi ko magawa na matanggap 
Labis ang dalangin 
Na ika'y limutin 
Pa'no kung hindi na kaya pa na magpanggap 
Pa'no ang lahat 
Nalilito 
Gulong-gulo 
Parang 'di ko kakayanin ang 
Walang pag-ibig mo 
Nababaliw sa pagtakip 
Parang panaginip lang lahat-lahat 
Pa'no aaminin 
Di ka na sa akin 
Bakit ba hindi ko magawa na matanggap 
Labis ang dalangin 
Na ika'y limutin 
Pa'no kung hindi na kaya pa na magpanggap 
Pa'no ang lahat 
Nalilito 
Gulong-gulo 
Hindi na kaya pa na magpanggap 
Pa'no ang lahat