Unang tingin pa lang sa'yong mga mata
Kumikinang na't sa'kin ay nakatingin
Ako'y tinawag, sabi'y "lapit ka sa'kin"
Hindi ako makailing sa'yo
Dumating na ang gabi
Inalis mo ang dilim
Sa paglisan ng agwat sa'ting
Mga labi ..
Tila ba ako'y iyong dinala
Sa paraisong taglay ng iyong ganda
Dumating na ang gabi
Inalis mo ang dilim
Sa paglisan ng agwat sa'ting
Mga labi
Nagtapos ating gabi
Nawala ang 'yong himig
Nag-iba ang 'yong tingin sa'king
Mga labi
Hanggang tingin lamang pala
Huling tingin nalang sa'yong mga mata
Ang inaasahang magpapasaya
Ako'y tawagin, sana'y lumapit ka sa'kin
Hindi ko ipipilit sa iyo