Pag ibig kong ito'y nananabik
Sa init ng iyong yakap at halik
Kaya't kahit na sa panaginip
Ala ala'y nagbabalik
Lungkot ang nadama, Nitong puso
Mula ng lumisan ka.
Waring naglaho na,
ang kulay ng bawat makita.
Ang buhay ko noon, na kay saya
ngayon ay walang sigla.
Ano ang dahilan sinta,
bakit nagbago ka?
Kung nagkasala man, ako sayo,
sana'y patawarin mo.
kung nagkulang man
ng pagtingin,
ay pagbigyan ako.
Giliw pakinggan mo
ang puso na sumasamo sayo.
magbalik ka't damhin muli,
ang pagmamahal ko.
Pag ibig kong ito'y nananabik.
Sa init ng iyong yakap at halik.
Kaya't kahit na sa panaginip,
Ala ala'y nagbabalik.
Giliw pakinggan mo,
ang puso na sumasamo sayo.
magbalik ka't damhin muli,
ang pagmamahal ko.
Pag ibig kong ito'y nananabik,
Sa init ng iyong yakap at halik.
Kaya't kahit na sa panaginip,
Ala ala'y nagbabalik.
Pag ibig kong ito'y nananabik,
Sa init ng iyong yakap at halik.
Kaya't kahit na sa panaginip,
Ala ala'y nagbabalik.
Ala ala'y nagbabalik.
Ala ala'y nagbabalik....