Kung akoy magaasawa ganda
Ng puso ang ibig ko,
At akoy handa sa hirap,
Maging tuyo man, ang ulam ko..
Ibig ko'y mapagpatawad
Kahit kung minsa'y mali ako,
Di ko ibig ang seloso
Gabi't araw nanggugulo..
Ang ibig ko sa lalaki
Ay laging mapagmahal,
Ayaw ko sa barumbado
Na agad nambubuntal.
Ibig ko ay karinyoso
At laging romantiko...
Yan ba'y kaya mong idulot,
Sa king puso sabihn mo...
(lalaki ay daig ay 'yong pangarap
Kung ang pag ibig ang nais mo
Gigiliwin kang parati sa
Bawat oras o buhay ko
Susuyuin ka sa twina
Lalo't ikaw ay nagtatampo,
At ano man ang 'yong utos
Ay buong pusong susundin ko,,
Papaypayan kita giliw,
Bubugawan ng lamok,
Susubuan sa pagkain,
Di tuyo kundi manok.
Maghapon kang aawitan,
At di ka malulungkot,
Kung gabiy ipaghehele,
Na parang beybing inaantok..
(babae kung nagmamahal ang puso ay
Maramdamin kaylan pa man
Yan ang dapat mong malaman at
Wag limutin ngayon pa lang
Ang ibig ko sa asawa ay
Ako lamang and titignan
Ayaw ko pag may dalaga
Na masalubong, susulyapan..
(lalaki bakit ba ibang babae ang
Hahanapin upang tignan
Kung ang kariktan mo,
Giliw ang siya din laging
Gustong ibig masdan,
Pipikit ako sa kalye
Habang kita ay namamasyal
Kahit na akoy mahulog sa
Bawat butas ng imburnal..
Lalaki babae:kung akoy mag aasawa ikaw
Na giliw ang ibig ko,,
Na maging kabiyak ng puso,
Sa bawat araw ng buhay ko,
Sa gayo'y anong ligaya
Ang daranasin sa piling mo..
Kung ito pag aasawa maging
Mapalad dahil sa yo..
Mana'''lig ka...
O gi'''liw ko!..