menu-iconlogo
logo

Sinisinta Kita

logo
歌词
Kung ang sinta'y ulilahin

Sino pa kaya'ng tatawagin

Kung hindi si neneng kong giliw

Naku kay layo sa piling.

Malayo man, malapit din

Pilit ko ring mararating

'wag lamang masabi mong

Di kita ginigiliw.

Ginigiliw kitang tunay

Alaala gabi't araw

Pag di na natatanaw

Puso ko'y nalulumbay

Sinisinta kita

Di ka kumikibo

Akala mo yata

Ako'y nagbibiro

Saksi ko ang langit

Sampu ng kanduro

Kundi kita mahal

Puputok ang puso.

Kung ang sinta'y ulilahin

Sino pa kaya'ng tatawagin

Kung hindi si pepe kong giliw

Naku kay layo sa piling.

Malayo man, malapit din

Pilit ko ring mararating

'wag lamang masabi mong

Di kita ginigiliw.

Ginigiliw kitang tunay

Alaala gabi't araw

Pag di na natatanaw

Puso ko'y nalulumbay

Sinisinta kita

Di ka kumikibo

Akala mo yata

Ako'y nagbibiro

Saksi ko ang langit

Sampu ng kanduro

Kundi kita mahal

Puputok ang puso.