Hindi man araw-araw na nakangiti 
Ilang beses na rin tayong humihindi 
'Di na mabilang ang ating mga tampuhan 
Away-bati natin, 'di na namamalayan 
Heto tayo 
Ngunit sa huli palagi 
Babalik pa rin sa yakap mo 
Hanggang sa huli palagi 
Pipiliin kong maging sa'yo 
Ulit-ulitin man, nais kong malaman mong 
Iyo ako palagi, palagi 
Kung balikan man ang hirap, luha't lahat 
Ikaw ang paborito kong desisyon at 
'Pag napaligiran ng ingay at ng gulo 
'Di ko 'pagpapalit ngiti mo sa mundo 
Heto tayo 
Sa huli palagi 
Babalik pa rin sa yakap mo 
Hanggang sa huli palagi 
Pipiliin kong maging sa'yo 
Ulit-ulitin man, nais kong malaman mong 
Iyo ako 
Sa pagdating ng ating pilak at ginto 
Dyamante ma'y abutin 
Ikaw pa rin aking bituin 
Natatanging dalangin 'gang sa huling siglo 
Sa huli palagi 
Babalik pa rin sa yakap mo 
Mahal sa huli palagi 
Pipiliin kong maging sa'yo 
Ulit-ulitin man, nais kong malaman mong 
Iyo ako palagi