menu-iconlogo
huatong
huatong
歌词
作品
Ah-ha, ah-ha

Oh yeah

Na-na-na-na

Whoa, whoa (Ednil Beats Production)

Biglaang pasok mo sa paningin

Agad na nasilaw sa dala mong ningning

Gustong tanungin kung ano ang pangalan mo

Kaso 'di makapagsalita sa 'yo

Kaya 'wag na lang

'Wag na lang muna (ooh, yeah)

Heto na nga bang sinasabi (heto na)

'Tsaka ko hahanapin ko pag-uwi

Sa panghihinayang, ayaw nang patulugin

Kaya ngayon, ako ay nagsisi

Pero tila 'di pa rin ako makaalis sa pagiging torpe

Kahit ilang beses na nangyari, ako'y gano'n pa rin

Hanggang kailan matitiis 'to? 'Di makalapit sa 'yo

Alam mo ba kung ano'ng gusto ko na sabihin sa 'yo?

Kaso natoto-torpe, ano ba 'to?

Nakukuryente sa ganda mo, natotorete

Tila ba ang hirap makalapit, at ako'y hanggang tingin na lang

Lagi na lang kinakain ng kaba

'Di makalapit at mahakbang ang mga paa

Iba ka sa lahat kaya gustong makuha ka

Pero papaano kung hanggang tingin na lang

Sa mga mata na lagi sa 'kin nang-aakit

Kaso lang, mahina ang loob lumapit

Eh, paano kung mayro'n nang mauna?

Pa'no na ako? Baka hindi ko 'yun makaya

Sana magkaro'n ng tiyansa

Ayokong mawala ka, gusto kitang kasama

At para maipadama, sa 'ki'y mahalaga ka

Dalangin sana ay gumana

Ang mga plano kung papaano masasabi nararamdaman

Walang nagbago, atras-abante

Baka hanggang gan'to na lang ako sa 'yo

Hanggang kailan matitiis 'to? 'Di makalapit sa 'yo

Alam mo ba kung ano'ng gusto ko na sabihin sa 'yo?

Kaso natoto-torpe, ano ba 'to?

Nakukuryente sa ganda mo, natotorete

Tila ba ang hirap makalapit, at ako'y hanggang tingin na lang

Heto na naman tayo

Nagkakatitigan ngunit hindi nag-iimikan

Kaya ginawa 'yung plano

Ika'y kinindatan, at ako'y biglang nginitian mo

Sa wakas ay nagkaro'n ng lakas ng loob para kausapin ka

At nalaman kong tama ang aking kutob na gusto mo rin ako, sinta

Kaya napapakapit ka

Buong paligid, sobrang happy lang

Parang binalot na ng mahika

Nakatawa hanggang sa paghiga, ah-ah, ah-ah

Sa mga sandali na kahalikan kita

'Di maipaliwanag ang nadamang saya

Ngunit bigla na lang nag-iba, bumalik lahat sa umpisa

Kathang-isip lang pala, 'di pa rin makapagsalita

Hanggang kailan matitiis 'to? 'Di makalapit sa 'yo

Alam mo ba kung ano'ng gusto ko na sabihin sa 'yo?

Kaso natoto-torpe, ano ba 'to?

Nakukuryente sa ganda mo, natotorete

Tila ba ang hirap makalapit, at ako'y hanggang tingin na lang

Hanggang kailan matitiis 'to?

Alam mo ba kung ano'ng gusto?

Natotorete

更多Unxpctd/Ednil Beats热歌

查看全部logo

猜你喜欢

Torete Unxpctd/Ednil Beats - 歌词和翻唱