Bawa't yugto ng sandaling
halos 'di ko alam
Naglalakbay ang diwa
sa ligayang nakamtan
Gamot na bawal
ay ayaw ko nang tigilan
Hinahanap hanap
ko at inaasam
O, kay sarap ng buhay
Kung siya'y aking nalalanghap
Akala ko ang mundo ay
wala nang katapusan
At nang ako ay magising
sa kasalanang nagawa
Kinabukasan ko ay nawala
Pangarap ko'y 'di maabot
Dahil sa bawal na gamot
Labis ko ng pinagsisihan
Ang aking kamalian
.....................
O, kay sarap ng buhay
Kung siya'y aking nalalanghap
Akala ko ang mundo ay
wala nang katapusan
At nang ako ay magising
sa kasalanang nagawa
Kinabukasan ko ay nawala
Pangarap ko'y 'di maabot
Dahil sa bawal na gamot
Labis ko nang pinagsisihan
Ang aking kamalian
Ngunit ngayon ay nasaan
Ang langit na walang hanggan
Labis ko nang pinagsisihan
Ang aking kamalian
Labis ko nang pinagsisihan
Ang aking
kamalian...