Kahit bata pa ako, parang alam ko na lahat
Mga lihim na pagtingin na 'di ko maipagtapat
Nagiging masaya ako sa t'wing kasama na kita
At nalulungkot naman kapag hindi ka nakikita
Mag-aantay sa school na bumaba ka sa tsikot
At sa ating tagpuan, sana ika'y sumipot
Sabay nating kakainin mga dala nating baon
At sa 'yong pag-uwi, gumamela aking pabaon
Simbolo ng pag-ibig kong 'di kayang bigkasin
Dahil natatakot ako, baka tayo'y paglayuin
Pagsapit ng alas-kuwatro, dadalaw sa inyong bahay
Lalabas sa may kalsadang magkahawak ang kamay
Maglalaro ng habulan, patintero, tumbang preso
At kapag pagod ka na, ibibili kita ng Zesto
At doon iinumin sa ating tagpuan
Masayang nagkukulitan habang tayo'y nagduduyan
Kislap ng 'yong mata'y 'di kayang limutin
Sa 'ting tagpuan ay naghihintay pa rin
Umukit ka sa puso ko at 'di na maalis
Ang mga alaala nating dalawa na kay tamis, kay tagal kong tiniis
'Di rin nagtagal, nalaman ng iyong magulang
Ang lihim na pagtingin na sila ang naging hadlang
Ilang araw, ilang linggo ka nilang 'di pinalabas
At minsan naiisip ko, baka ito na ang wakas
Sa mura kong edad, lungkot aking naramdaman
At dahil bata pa ako, walang alam na paraan
Umalis ka ng bansa at nilayo ka nang tuluyan
At ngayon, sa 'ting tagpuan, mag-isa nang nagduduyan
At ngayong malaki na 'ko, ramdam ko na ang lahat
Parang sa buhay ko'y may kulang at parang hindi sapat
Tadhana ba ito o talagang nakaplano?
Sa langit, nakatingala sa dadaan na eroplano
At nagbabaka-sakaling doon ka nakasakay
Dahil ako'y nandito lang at sa iyo'y nag-aantay
Na darating ang panahong muli kitang masisilayan
Doon sa ating tagpuan na ikaw ay nagduduyan
Kislap ng 'yong mata'y 'di kayang limutin
Sa 'ting tagpuan ay naghihintay pa rin
Umukit ka sa puso ko at 'di na maalis
Ang mga alaala nating dalawa na kay tamis, kay tagal kong tiniis
Lumipas na ilang taon, wala pa din akong balita
'Di ko na rin matiyak kung tayo'y muling magkikita
Lagi kong tinatanong kung pa'no ba at kung saan
Kung pa'no ba at kung saan kita matatagpuan
Ilang buwan, ilang taon na tiniis ko ang lungkot
Ilang buwan, ilang taon, naramdaman ko ang poot
Ang makita kang muli na kay tagal kong hinangad
Kung may pakpak lang ako, baka ako na'y lumipad
Patungo sa lugar kung sa'n ka man naroroon
Kakalimutan ang ngayon, babalikan ko ang noon
Dahil hindi ako nagkaroon ng pagkakataon
Dahil maaga tayong pinaglaruan ng panahon
Hindi ko na alam kung sa'n pa ba 'ko lalagay
Ang lagi kong tanong, hanggang kailan mag-aantay
Na darating ang panahon, sabay nating babalikan
Ang alaalang kay sayang hawak-kamay na nagduduyan
Kislap ng 'yong mata'y 'di kayang limutin
Sa 'ting tagpuan ay naghihintay pa rin (naghihintay pa rin)
Umukit ka sa puso ko at 'di na maalis (maalis)
Ang mga alaala nating dalawa na kay tamis, kay tagal kong tiniis
Kislap ng 'yong mata'y 'di kayang limutin
Sa 'ting tagpuan ay naghihintay pa rin
Umukit ka sa puso ko at 'di na maalis
Ang mga alaala nating dalawa na kay tamis, kay tagal kong tiniis