menu-iconlogo
logo

Sa Paghilom ng Sugat

logo
歌詞
Sana pag naghilom na ang sugat

Maari muli na subukan

Ang pagmamahalan na kaytagal nating iningatan

Ayos lang na maghintay

Hanggang sa handa ka na ulit na mayakap ako ng mahigpit aking mahal

Kung papalarin na hindi pa to huli

Mabalik muli ang araw natin bawat sandali

Alam kong hindi madali pagsasamang may halong pighati

Naranasan na sakit ayoko ng danasin pa ulit

Sa paghilom ng sugat baka sakaling pwede pa

Ayusin ang binuo nating dalawa na magkasama

Hindi man manumbalik ang dating pagsasama

Gagawa tayo mismo ng panibagong kabanata

Wag na natin ibalik

Ala ala nating nagdilim

Mga panahong na tayo ay lumuha

Panay ang sumabatan sating puso isip tumanim

Ibalik ang dating tamis nawalang lambing at kulit

Binuo nating pangarap muli na nating tuparin

Pinapangako sayo mahal ko lahat ng to

Handa akong magbago para lamang sa iyo

Patawad kung di man nakita

Mga nagawang mali kaya halika

Buuin natin ang storya sa bagong pahina

Sana pag naghilom na ang sugat

Maari muli na subukan

Ang pagmamahalan na kaytagal nating iningatan

Ayos lang na maghintay

Hanggang sa handa ka na ulit na mayakap ako ng mahigpit aking mahal

Kahit na ilang taon akoy handang maghintay

Na muli mong ibalik pagmamahal moy ibigay

Dahil ang mabuhay ng wala ka di ako sanay

So pag di mo binigay ako mismo bibigay

Minsan di mapalagay dahil di ko din alam

Kung mawawala sa puso ang iyong dinaramdam

Oo nasaktan kita at nasaktan mo din ako

Pero sa tingin mo ba ito ay aking inaasam

Kaya nasaan ka man kantang to ay damahin

Magparamdam ka naman na akoy mahal pa rin

At sa puso mong yaan muli mo kong tanggapin

May iba na bang laman di ba pwedeng tanggalin

Harapin mo ako at sampalin man bigla

Ayus lang sa akin yun at sakalin man bigla

Ayus lang sa akin yun at saksakin man bigla

Basta ba maayos lang ang sa atin nasira

Nasira nasira na pero umaasa

Na muli kong matikman tamis mong pinalasa

Dahil ikaw lang nag iisang tinatamasa

Kahit pangbobola ko sayo ko lang papasa

Kaya keysa sa limutin na tapusin to

Bakit di lang mag usap at ayusin natin to

Ako na ang pupunta sayo

At sana pag nakita ka ikaw ay rumupok at ako ay yakapin mo

Dahil bawat sugat pagdating ng panahon

Ito ay maghihilom at ito ay gagaling

Wala ding kahambing ang lambingan nating dalawa ano mang marating

At darating din ang araw na ikaw at ako

Ay handa ng muling magmahal

At sa araw na yun aking pinapangako walang hiwalayan mahal

Sana pag naghilom na ang sugat

Maari muli na subukan

Ang pagmamahalan na kaytagal nating iningatan

Ayos lang na maghintay

Hanggang sa handa ka na ulit na mayakap ako ng mahigpit aking mahal

Patuloy bibilangin hindi na kukulangin mga maling hindi na ibabaling

Kung muli mag tatabi tuwing gabi di na papakawalan

Wag na natin talakayin halukayin atin nalang natin palayain pangit na nakaraan

Pag husayin patibayin panalangin wag sayangin bawat oras ating inilalaan

Kung sakali patawarin pinag handaan ang bawat susulit

Pinatibay pinasikap pinangarap to ng matagal

Papasukin kahit masikip na iskinita hindi maiinip mata

Mamumuti kahit na mag bagal

PaPangako na makukuntento hindi iniimbento

Bawat sabi kong binabato sayo patungo ganda ang masasalo

Isasama sa pangarap habang mag kahawak ang kamay

Nag lalakbay sa laki at lawak ng ganda ng aking Mundo

Kumukulay para lamang ito sa iyo

Sa Paghilom ng Sugat 3Kings Music Pro/Hambog ng Sagpro/Joshua Mari - 歌詞和翻唱