naglalagay ng kolorete sa aking mukha
para di nila malaman
ang tunay na naganap
na ikaw at ako ay hindi na
ineensayo pa ang mga
ngiti para di halata
damdamin ko'y pinipigil sa loob umiiyak
dahil ikaw at ako ay hindi na
at ang hirap magpapanggap pa ba ako
na ako ay masaya kahit ang
totoo ay talagang wala ka na
at kung bukas pagmulat ng aking mata
may mahal ka ng iba
wala na akong magagawa
di ba
paano ko sasabihin sa mga kaibigan ko
kung ako rin ang sisisihin
nabulagan ako na ikaw at ako ay wala na
at ang hirap magpapanggap pa ba ako
na ako ay masaya kahit ang
totoo ay talagang wala ka na
at kung bukas pagmulat ng aking mata
may mahal ka ng iba
wala na akong magagawa
di ba
saan ba ako nagkamali
di ko maintindihan
kung sino pa'ng nagmamahal
siya pang naiiwan
siya pang naiiwan
at ang hirap magpapanggap pa ba ako
na ako ay masaya kahit ang
totoo ay talagang wala ka na
at kung bukas pagmulat ng aking mata
may mahal ka ng iba
wala na akong magagawa
di ba