menu-iconlogo
huatong
huatong
apekz-pasulyap-sulyap-cover-image

Pasulyap Sulyap

Apekzhuatong
sulzina2huatong
歌詞
作品
Gusto ko na mapasa'kin ka

Pero hindi ko naman maamin na

May gusto ako sa 'yo, kinakabahan ako

Hindi ko man lang magawang biglang lumapit sa

Isang katulad mo na para bang prinsesa

Ang pera ko lang ay pambili ng Selecta

Sa dami ng manliligaw, daig pa sa Ginebra

Tapos 'yung tatay mo ang tindi pa ng depensa

So pa'no na 'yan, ano na'ng gagawin ko? (Ha-ha)

Baka may syota ka na sa susunod na linggo

Laging may de kotse na dumadaan sa inyo

Eh, kung ako 'yun, baka sarahan ng pinto

Kaya nagkulong na lang maghapon sa aking tahanan (ha-ha)

Tatanggalin ko na lahat ng 'yong mga larawan

Gusto ko nang sumuko, taas na ang puting bandila

Kaso pagtanggal ng pako ay mayro'n akong nakita

Pasulyap-sulyap, 'di ko alam kung bakit ba takot magbalak

Dito ko na lang idadaan ang lahat, alam ko na mali

Pero mas madali sa-sa-sa pasulyap-sulyap

Pawis na pawis na sa kakatayo

Baka makita ako'y nagtago

Palingon-lingon kaya hindi maka-diretso

Kapag nakalingat, sige, balik ulit sa pwesto

Ito ba 'yung tinatawag na pag-ibig?

Pag-ibig na nakuha ko lamang sa 'king pagtitig

'Di ko sinasadya, hindi ko rin pinilit

Okay lang sa 'kin kahit na maghapon na nakasilip

Makita ko lamang siya

Kahit ano'ng posisyon ay maganda

Takot akong magsabi at malaman niya

Sa diskarte ko walang aagaw pa

At sana nga 'di niya ito mahalata (ha-ha)

Kasi araw-araw ko na nga itong ginagawa

Wala akong magagawa kung ako man ay mataya

Gano'n na talaga, makasalanan ang mata kaya

Pasulyap-sulyap, 'di ko alam kung bakit ba takot magbalak

Dito ko na lang idadaan ang lahat, alam ko na mali

Pero mas madali sa-sa-sa pasulyap-sulyap

'Di ko alam kung bakit ba takot magbalak

Dito ko na lang idadaan ang lahat, alam ko na mali

Pero mas madali sa pasulyap-sulyap

Dumaan ang mga araw, wala pa ring nagbago

Ayos na 'to, kay sa naman biglang maglaho

Nakakapagod din pala 'yung tago nang tago

Pero sa dami ng nakita ko, 'yon masaya na ako

Ang problema parang may mali

No'ng huling tingin ko, siya'y nakangiti

Tapos ako'y biglang hindi mapakali

Binulabog ng pintig na nakakabingi

Ako'y napatabi sa gilid

Simpleng tingin lang, tahimik

Bumigat ang hangin, ang aking ikinagulat

No'ng ika'y lumapit sa 'kin at ako'y kinausap

Panaginip lamang 'to, maniniwala ba 'ko? (Ha-ha)

Tapos sabi mo sa 'kin, "Alam mo na'ng ginagawa ko"

Mayro'n kang binulong, naging mulat aking mata

'Pag 'di ako nakatingin, sumusulyap ka rin pala

Pasulyap-sulyap, 'di ko alam kung bakit ba takot magbalak

Dito ko na lang idadaan ang lahat, alam ko na mali

Pero mas madali sa-sa-sa pasulyap-sulyap

'Di ko alam kung bakit ba takot magbalak

Dito ko na lang idadaan ang lahat, alam ko na mali

Pero mas madali sa pasulyap-sulyap

更多Apekz熱歌

查看全部logo

猜你喜歡