menu-iconlogo
logo

Tag-init

logo
歌詞
Yeah

Paki lakas lang ng konti

Thank you

Check check yow

Kala ko iba tayo

Ba't nag iba tayo ng daan

Sa landas na pinangako

Piniraso na litrato ng ngiti mo

Tanging alaala ko sa imahe ng paraiso

Tag init naman ba't umuulan

At sa ulo ko lang pumapatak

Tangina naman langit ba'y umiiiyak

Nakikiramay ka ba Diyos

O sadyang nang iinis ka lang

Wala namang kulog sa langit

Pero ba't umuulan

At di ko maisip kung bakit

Sa aking ulo lang bumabagsak

Problema tila walang katapusan

Kailan kaya ito titila at sana maibsan

Malampasan ang mga pasan pasan

Dahil pasang pasa na ang puso kong sugatan

At sawang sawa na sa away at mga drama

Iyakan at mga karma na parang telenobela uhh

Tag init naman ba't umuulan

At sa ulo ko lang pumapatak

Tangina naman langit ba'y umiiyak

Nakikiramay ka ba Diyos

O sadyang nang iinis ka lang

Sa puso na biyak

Na biyak

Sa pusong biniyak

Ay nako alam ko

Tadhana ay mapagbiro

Ba't pinana pa ni Kopido

Kung di rin totoo stupido

Gusto mo palang makipaglaro

Sana sinabi nung una

Para naman game ako

Ngayon ako ang taya

Nagpaparaya na nga

Tapos ay dinaya mo pa

Parang tusok puro tusok

Hanggang sa mamaga

Hindi lang puso ang hinugot

Pati kaluluwa uhh

Tag init naman ba't umuulan

At sa ulo ko lang pumapatak

Tangina naman

O tangina naman

Himig ng pag ibig natin naging sintunado

Na dati bulong mahal kita ngayon sigaw ay tangina

At di ka natutuwa sa mga biro kong dala

Matatamis ko na sambit ngayon nakakairita

Ba't nauwi sa ganito

Ganito ganito

Galit mo sagad hanggang buto

Hanggang buto

Di na epektibo ang lambing ko at pabibo

At hinala may motibo pag ikaw ay sinusuyo

Sinusuyo

Hindi mo na napupuna

Napupuna

Sabi mo kasi natuto na

Natuto na

Na dapat na unahin mo muna ang iyong sarili

Bago mo ibuhos ang lahat ng pagmamahal sa iba

Tag init naman ba't umuulan

At sa ulo ko lang pumapatak

Tangina naman

Kala ko ay iba tayo

Pero di rin nagtagal

Ang pag ibig ay lumaho

Kapiraso ng litrato ng ngiti mo

Tanging alaala ko sa pag ibig na pinangako