menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Lord Merry Christmas

Bassilyohuatong
omni4uhuatong
歌詞
作品
Kinakausap lang kita pero hindi ako uutang

Sapagkat ang Pasko araw ng pagbibigayan

Sana inyong pagbigyan ang aming munting hiling

Aming ilalambing kami ay mangangaroling

Sa kalansing ng gitara at tantsang inaalog

Tambol lang ay de lata at batong pinag-untog

Mga simple ang tunog pero hahanap-hanapin

Aming ihahandog ang mga talento namin

Aming tatanggapin nang bukal sa'ming loob

Sardinas o kape noodles man o pasaload

Kung wala kayong barya OK lang sa amin

At kahit na buo pa yan aming tatanggapin

Sosolohin ko ang blessing

Naku Bad yan

Mas OK magbigay kaysa sa binibigyan

Maghihintay na lang bukas ang mga palad

Basta huwag na huwag mong sasabihin sa'min na

What Patawad

Lord Merry Christmas

Magbigayan Magmahalan nang wagas

Ipagdiwang ang kapaskuhang walang wakas

Lord Merry Christmas

Magbigayan Magmahalan nang wagas

Ipagdiwang ang kapaskuhang walang wakas

Pagkalipas mangaroling sa tabi-tabi

Mas excited kami at magsisimbang-gabi

Para amin nang masabi ang aming pasasalamat

Sa lahat ng biyaya na iyong pinalasap

Singsarap ng hamon pati na keso de bola

Singsarap ng lechon mapa-baboy man o baka

Wala nang sasarap pag kumpleto ang pamilya

Sama-sama sa lamesa masaganang Noche Buena

Sagot mo na lahat ikaw na rin ang ninong

Di kami magpapabayad pero pwede ang donation

Wag ka nang magtanong kung ba't may medyas dun sa house

Ikaw na din ang gaganap na Santa Claus

Lord Merry Christmas

Magbigayan Magmahalan nang wagas

Ipagdiwang ang kapaskuhang walang wakas

Lord Merry Christmas

Magbigayan Magmahalan nang wagas

Ipagdiwang ang kapaskuhang walang wakas

Diwa ng Pasko ano ba talaga

Di lang biyaya ang mahalaga

Mahalin nating ang bawat isa

Tayo naman ang magpasaya

Iwasan na muna ang mga tampo

Patawarin mo mga kaaway mo

Tuparin mo mga pangako mo

Ang pagbabago isapuso mo

Dapat lahat magpakatapat

Magpasalamat ka pa muna

Huwag kang maatat hwag kang manumbat

At higit sa lahat hwag kang makunat

At lalong aangat ang buhay mo

Sasagana lahat ang buong taon mo

Ipasa sa mga anak at sa mga apo mo

Sa buong mundo Maligayang Pasko

Lord Lord Lord Merry Christmas

Lo-oh-oh-oh oh-oh-oh Lord

Lord Lord Lord Merry Christmas

Lo-oh-oh-oh oh-oh-oh Lord

Patawad

Merry Merry Christmas

更多Bassilyo熱歌

查看全部logo

猜你喜歡