"Masama ka sakin, masaya ako sayo"
Kaya bakit pa natin
ipagpipilitan ang hindi pwede?"
Sambit mo sakin pagtapos mong
hithitin ang dulo ng 'yong sigarilyo
Magkahawak ang kamay,
ngunit di mahigpit
At nagaantay nalang na
isa satin ang bumiitaw
Kapalaran na siguro nating masaktan
"Masaya ka sakin, masama ako sayo."
Ngunit ubos na ang lahat,
upos nalang ang natira
Tatlong araw na tayong di nag uusap
Ni isa sa ating dalawa'y
lang balak makiusap
Alam nating pareho tayong nagkulang
At ang tayo'y 'la na ring patutunguan
Ngayon bakit nga ba tayo nagkita
Nakalimutan na't tila
Balak nating mag ayos ang
lalo sating nagpasira
Diba sabi mo noon, kung
tayong dalawa'y maghiwalay
Ay magkikita rin sa tamang panahon
Ngayon aking napaisip, papano kung ganon
Kung tayong nga talagang
dalawa'y bakit pa tayo
Dapat maghiwalay ngayon
Kung ganon magbiro ang tadhana
Ay dapat, alam nyang 'la kong
oras makipag biruan ngayon
Wag mo na kong kulitin pa
Wag ka na ring sumagot
kung sakaling kulitin ka
Kung magkasalubong wag na natin pansinin
Ang isa't isat pagkalito'y
wag ng kunsintihin pa
Dahil, hindi ko kayang
maging kung sinong gusto mo
Ibigay kung anong gusto mo
Ibigay anong nararapat sayo,
mahal kita, pero tama na
Dahil, hindi mo kayang
maging kung sinong gusto ko
Ibigay kung anong gusto ko
Ibigay anong nararapat saatin
dahil di na natin kaya
Wag ng pilitin kahit pwede
Isipin ang sarili't
wag na satin dumepende
Mas mahina na nga tayo
sa sakiting nagkadengue
La tayong magagamot kung
pareho tayong pasyente
Hindi mo ko kaylangan,
at ganun ka rin sakin
Libro ng istorya nating dalawa'y sa
simula lang kaaya ayang basahin
Sumaya na tayo dati,
limot natin ang pasanin
Talagang dapat mong
asahan ang di mo aakalain
Ba't ba tayo naniwala
Pagmamahalan natin dati pa'y di alintana
Ngayon dapat na limutin
na ang ating ala ala
Kaylangan na magbura para matuto
tayo lalo parang sulat sa pisara
Wag mo na kong tanungin pa
Masasaktan ka parin
kahit aking saluhin ka
Panandaliang marka lang
to satin parang henna
Pansamantalang pagmamahal
di dapat ikadena
Dahil, hindi ko kayang
maging kung sinong gusto mo
Ibigay kung anong gusto mo
Ibigay anong nararapat sayo,
mahal kita, pero tama na
Dahil, hindi mo kayang
maging kung sinong gusto ko
Ibigay kung anong gusto ko
Ibigay anong nararapat saatin
dahil di na natin kaya