menu-iconlogo
huatong
huatong
bini-karera-cover-image

Karera

Binihuatong
spawn583huatong
歌詞
作品
Minsan ay nahuhuli

Ang sarili na nag-aalala, ah

Mga bagay na 'di kontrolado, pinoproblema

Pero teka lang

Mayro'n bang humahabol sa 'yo?

(Oh-oh, ooh-whoa, oh-oh, ooh-whoa)

'Di naman dapat matulin ang pagtakbo

Ooh-whoa, ooh-whoa, oh

Sino bang nagsabi na kailangan kong mauna?

Hindi naman ito karera, puwedeng magdahan-dahan

Sa bawat panibagong umaga

Ang pagsimula muli ay isang tagumpay na

Oh, oh-oh-oh

Huwag mag-alala, buhay ay 'di karera

Oh, oh-oh-oh

Dahan-dahan lang, buhay ay 'di karera

Buhay ay, oh

Minsan ay nalilimutang huminga sandali

Magpahinga lang saglit (oh-oh, oh-oh)

At 'di kailangang magmadali para magwagi

Puwedeng unti-unti

Wala namang humahabol sa 'yo, ooh-whoa

(Oh-oh, ooh-whoa, oh-oh, ooh-whoa)

'Di naman dapat matulin ang pagtakbo

Ooh-whoa, ooh-whoa, oh

Sino bang nagsabi na kailangan kong mauna?

Hindi naman ito karera, puwedeng magdahan-dahan

Sa bawat panibagong umaga

Ang pagsimula muli ay isang tagumpay na

Oh, oh-oh-oh

Huwag mag-alala, buhay ay 'di karera

Whoa, oh-oh, oh, oh-oh

Dahan-dahan lang, buhay ay 'di karera

Oh-whoa, oh, whoa, oh

Ooh-ooh-ooh, ooh-ooh, ah, ah-ah

Yeah, buhay ay 'di, oh-oh, 'di karera

Buhay ay 'di karera, oh-oh

Hey, hey, BINI

Maraming beses nangamba, nadapa, tumaya

Naniwala sa mundong madaya, uh

Ano nga ba? Sino nga ba? Ikaw ba? O ako ba?

Hinay lang, huwag bahala, 'hala

Yah, huwag ka nang maniniwala sa paniniwala

Na dapat makipag-unahan sa karera

Kung wala namang karera, dahan-dahan, tahan lang

Kakayanin, umpisa pa lang

Sino bang nagsabi na kailangan kong mauna?

Hindi naman ito karera, puwedeng magdahan-dahan

Sa bawat panibagong umaga

Ang pagsimula muli ay isang tagumpay na

Oh, oh-oh-oh

Huwag mag-alala, buhay ay 'di karera

Whoa, oh-oh, oh, oh-oh

Dahan-dahan lang, buhay ay 'di karera

Walang masyadong mabagal, walang mabilis

Sa pagtakbo ng buhay, hindi ka mimintis

Hingang malalim lang at tandaan

Ika'y may hawak ng iyong hakbang

Walang masyadong mabagal, walang mabilis

Sa pagtakbo ng buhay, hindi ka mimintis (oh)

Hingang malalim lang at tandaan (oh-oh)

Ika'y may hawak ng iyong hakbang (buhay ay 'di karera)

Walang masyadong mabagal, walang mabilis (oh-oh)

Sa pagtakbo ng buhay, hindi ka mimintis

Hingang malalim lang at tandaan (huwag mag-alala)

Ika'y may hawak ng iyong hakbang (yeah, yeah)

Walang masyadong mabagal, walang mabilis

Sa pagtakbo ng buhay, hindi ka mimintis

Dahan-dahan lang, buhay ay 'di karera

更多Bini熱歌

查看全部logo

猜你喜歡