Salamat sa iyo
Aking panginoong hesus
Ako'y inibig mo
At inangking lubos
Ang tanging alay ko sa iyo aking ama
Ay buong buhay ko puso at kaluluwa
Di na makayanang maipagkaloob
Mamahaling hiyas o gintong sinukob
Ang tanging dalangin o diyos ay tanggapin
Ang tanging alay ko nawa ay gamitin
Ito lamang ama wala nang iba pa
Akong hinihiling
Di ko akalain
Na ako ay bibigyang pansin
Ang taong tulad ko
Di dapat mahalin
Ang tanging alay ko sa iyo aking ama
Ay buong buhay ko puso at kaluluwa
Di na makayanang maipagkaloob
Mamahaling hiyas o gintong sinukob
Ang tanging dalangin o diyos ay tanggapin
Ang tanging alay ko nawa ay gamitin
Ito lamang ama wala nang iba pa
Akong hinihiling
Ito lamang ama wala nang iba pa
Akong hinihiling