menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Tapos Na

Earl Agustinhuatong
pavaoiyyaohuatong
歌詞
作品
Tapos na

Mahal ko

Hininto ko na'ng hakbang patungo sa'yo

Biglang napagtanto ko na

May pinatunguhan ang panalangin ko kasi

Hinawakan mo ang kamay ko

Pawang kabulaanan nung

Pinaniwalaan kong kalawakan ang ating agwat

Pagbukas ng puso mo'y tumugma

Sa akin natapat

Hininto ko na ang baka sakaling

"Nalagpasan ako ng tadhana"

'Di ako makapaniwalang

Oo, ang iyong desisyon

Mali ang inakala kong

Kwento na ika'y hanggang imahinasyon

Bago pa maipinta ang tayo

Ika'y isang dilag na humahabol sa pangarap

Kaya minarapat kong bilisan din ang takbo

Gusto kong masabayan ka sa mithiin mo

Mga panghuhusga nila'y 'di hahayaang ibato

Ako raw ay isang di hamak na panakip-butas mo, kaya

Pinag-uugnay ko ang kalawakan na ating agwat

Pagbukas ng puso mo'y tumugma

Sa akin natapat

Hininto ko na ang baka sakaling

"Nalagpasan ako ng tadhana"

'Di ako makapaniwalang

Oo, ang iyong desisyon

Mali ang inakala kong

Kwento na ika'y hanggang imahinasyon

Nagniningning ang mga mata ko

Nung binigkas mo ang

"Mahal ko"

Teka, may karugtong pala

Tumingin ka sa sahig at binanggit

"Mahal ko pa rin siya, sinubukan ko naman ang mahalin ka"

Pinilit lamang ang eksenang tayo, ang iksi ng tayo

Kasi tama pala ang

Kwento na ika'y hanggang imahinasyon

Mali ang inakala kong

Oo, ang iyong desisyon

'Di ako makapaniwalang

Nalagpasan ako ng tadhana

Hihinto na lang ako sinta

Pawang kabulaanan nung

Hinawakan mo ang kamay ko

May pinatunguhan ang panalangin ko kasi

Biglang napagtanto ko na

Hininto ko na'ng hakbang patungo sa'yo

Mahal ko

Tapos na

更多Earl Agustin熱歌

查看全部logo

猜你喜歡