Kailan mo ako hahagkan
Matagal na akong naghihintay
Nakadungaw sa bintana
Mga dahon lang ang kumakaway
Kailan ko mararamdaman
Pagdampi ng iyong labi
Tinatanaw ko ang mga bituin
Mga luha humahalik sa aking pisngi
Kailan ako tatahan
Higpit ng yakap ng 'yong dibdib
Nakatingin ako sa salamin
May guhit ang noo't mapait ang ngiti
Kailan ko mararamdaman,
Pagdampi ng iyong labi?
Tinatanaw ko ang mga bituin mga
Luha humahalik sa aking pisngi
Kailan ko masisilayan
Sa araw araw aking mahal
Mula paggising hanggang sa pag idlip
Kagandahan mong walang patid
Kailan mo ako hahagkan?
Matagal na akong naghihintay.
Nakadungaw sa bintana.
Mga dahon lang ang kumakaway
Kailan ko mararamdaman,
Pagdampi ng iyong labi?
Tinatanaw ko ang mga bituin, mga
Luha humahalik sa'kin pisngi
Kailan ako lalaya
Sa anino ng pag iisa
Mga rehas lang ang tanaw
Nanginginig sa seldang maginaw
Woah oh!