menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Nilamon Ng Sistema

Francis Mhuatong
apkasunnyhuatong
歌詞
作品
Ang awit na ito′y inaalay ko sa mga biktima ng ating lipunan

Mga nilamon ng sistema, ating pakinggan

Mayro'n akong kakilala, ang pangalan ay Pamela

Naghahanap ng trabaho, lumuwas s′ya ng Maynila

Ako'y nag-alala sapagkat hindi n'ya nalalaman

Na ang buhay sa Maynila ay hindi basta-basta lang

Mga buwitre ang nagliliparan

Lumilipad sa may siyudad, nag-aantay na lamang

Bubot at inosente, batang-bata, wala pang 20

14 anyos lang at marami nang kliyente

Niloko s′ya ng recruiter, hinamak at winasak

Ang kanyang kinabukasan ay tuluyan nang nawarak

NIlamon, yeah

Nilamon, whoa

Ng sistema, yeah

Ng sistema, whoa

Eto naman ang ′storya ng isang batang galing sa broken home

Batang-bata pa, kawawa naman, it goes like this

Ito naman ang istorya ng 'sang batang gumagala

Sampung taong gulang pa lang at kahina-hinala

Ang kilos ng musmos dahil lasing na naman si Itay

At s′ya'y pinagbuhatan ng kamay

Si Inay, nagsusugal doon sa Mahjong-an

Napakasakit kapag walang humahagkan

Lumayas sa kanila at nag-alsabalutan

Tumambay kasama ng mga istambay sa lansangan

D′yan sa kanto, sumasama kahit kanino

Isipin ninyo kung sino ang may sala dito

NIlamon, yeah

Nilamon, whoa

Ng sistema, yeah

Ng sistema, whoa

Eto naman ay tungkol sa mga kababaihan nating nagpapakahirap

Kung tawagin natin ay Japayuki, para sa kanila 'to

Ang ating kababaihan ay nagsisiliparan

Patungo sa ibang bansa, saan? Sa Japan

Matulungan lamang maiahon sa kahirapan

Ang pamilyang umaasa sa kanila lamang

Ilan sa kanila ang umuwing luhaan

Inabuso, minaltrato at saka sinaktan

Tigilan na ang ganitong paraan

Ng pamumuhay ng ating kababaihan

Masisisi ba sila o dapat kaawaan?

Kasalanan ba nila o kasalanan ng bayan?

NIlamon, yeah

Nilamon, whoa

Ng sistema, yeah

Ng sistema, whoa

Ng sistema

Ng sistema, yeah

Ng sistema

Ng sistema, whoa

Nilamon

更多Francis M熱歌

查看全部logo

猜你喜歡

Nilamon Ng Sistema Francis M - 歌詞和翻唱