Nawa'y maging gabay, saan man magtungo
Tuwing nalulumbay, ilawan ang puso
Itong aming dasal, kapag naliligaw
Kami'y akayin Mo, sa landas na wasto
Kung sa'n patungo sa iyo
Aming panalangin,
(nawa'y pag ibig mo)
O, Diyos kami'y dinggin
(ilaw sa 'ming puso)
Sa bawat sandali,
(sa araw at gabi)
Maging tanglaw namin
Itong aming dasal,
(itong aming dasal)
Kapag naliligaw,
(kapag naliligaw)
Habang nasa mundo, kami'y akayin Mo
Kung sa'n patungo sa Iyo
Panalangin namin kami ay pagpalain
Na kahit sa dilim nawa'y makita
Liwanag ng pag ibig Mong dakila
At di na mawalay sa Iyong gabay
O Diyos aming hiling,
(nawa'y tanglawan)
Mapayapang daigdig,
(at laging bantayan)
Ang buhay na laging
(sa iyo umaasa)
Puspos ng yong pag ibig
(ikaw ay manahan)
Aming panalangin,
(aming panalangin)
Tulad ng 'sang paslit,
(tulad ng 'sang paslit)
Kami'y akayin Mo sa landas na wasto
Kung sa'n patungo sa Iyo
Kami'y akayin Mo sa landas na wasto
Kung sa'n patungo sa Iyo