Alam ko din na marami kang problema (problema)
Halos tawagin 'tong dilema (dilema)
May ubo tapos makapit na plema
Hilaw kapa pero bulok na sa sistema (woah)
Ganyan talaga, wag mag-wawala (ah)
Buti buhay kapa
'Yan ang mahalaga (ah)
May oras talagang ikaw'y mag-iisa (ah)
Pati sa'yong mantika ay magigisa nang hindi sinasadya
Ikaw'y biglang madadapa
'Yung liwanag didilim
Mapipilitang mangapa
Kahit buksan mo ang mata, hindi mo mahahalata
Kung hindi mo sasaingin ang bigas na malata
Nakaka-bad trip na, 'yung mga ganitong eksena
Bakit ba naimbento kasi ang pera?
Nais nang lumipat ng ibang planeta
Kapit lang, 'yan ang panibago na meta
Kung ano 'man ang iyong dinadala
Kahit na ga'no pa 'yang kabigat
'Di pa huli, madami pang bukas
Walang trabaho na mahirap
Kung pursigido ka, tuloy molang
Hangga't makuha ang inaasam
Tandaan na 'di pa huli ang lahat
Subukan mo nang iyong makita
Ang liwanag
Sige, sulat lang sa bawat pahina (pahina)
Kulayan mo, bawal magpahinga (pahinga)
Kung ayaw mo, sige 'di sa'kin na
Tapos panoodin mo at wawasakin na (sakin na)
Ang entablado kung sa'n imbitado
Bigay ang todo, kahit na konti ang tao
Kuntento na kasi ikaw ay naparito
Sa laban mang ito, ako ay na-iprito
Kapit lang babawi tayo
Dapat konting praktis pa para manalo
Idoble pa 'yun akting at 'yong isapuso
Hanggang sa maging superstar ka na't umuso (woah)
D'yan kasi nagsimula, sa dati din nagmula
Ngayon may bago ng tula
Sabay nating ibuga
Tara 'wag ng mahiya
Wala man title ang kanta mong ginawa (ey)
Kung ano 'man ang iyong dinadala
Kahit na ga'no pa 'yang kabigat
'Di pa huli, madami pang bukas
Walang trabaho na mahirap
Kung pursigido ka, tuloy molang
Hangga't makuha ang inaasam
Tandaan na 'di pa huli ang lahat
Subukan mo nang iyong makita
Ang liwanag
Sipagan mo lang palagi
Kahit wala pang nangyayari
Higpitan lang ang iyong kapit
Matutupad din ang lahat ng ninanais
Tibayan mo lang palagi
Kahit ano pang mangyari
Tandaan lang na laging
Sa dulo ng ulan ay mayroong bahaghari
(Yeah)
Kung ano 'man ang iyong dinadala
Kahit na ga'no pa 'yang kabigat
'Di pa huli, madami pang bukas
Walang trabaho na mahirap (wala)
Kung pursigido ka, tuloy molang (tuloy molang)
Hangga't makuha ang inaasam
Tandaan na 'di pa huli ang lahat (hindi pa)
Subukan mo nang iyong makita
Ang liwanag
Kumapit ka lang
Kumapit ka lang
Kumapit ka lang
Kumapit ka lang
Kapit kalang
Kumapit ka lang (Woah)