Ayan ka nanaman
Nakatingin na parang meron kang pagtingin
Diyan ka magaling
Napapaniwala mo ako sa isip mo ako ang
Tumatakbo-takbo na lang papalayo
Pag andiyan ka na
Hindi na alam ang gagawin kapag nawala na ang hangin
'Di na makahinga
Kasi
Ako'y nalulunod, hindi makaahon
Sabihin mo kung ano ba talaga kasi
Ano bang meron satin, na hindi mo masabi
Kailan ko malalaman, kung nalulunod ka na rin sa akin
'Di mo ba talaga pansin
Lahat ng ginagawa mo sa'kin ay iba ang dating
Sa alon sasabay
'Yan ang sinabi ko noon hanggang sa 'di alam na
Lumalangoy-langoy na lang
Sa dagat ng aking isipan
Hindi na alam ang gagawin kapag nawala na ang hangin
'Di na makahinga
Kasi
Ako'y nalulunod, hindi makaahon
Sabihin mo kung ano ba talaga kasi
Ano bang meron satin, na hindi mo masabi
Kailan ko malalaman, kung nalulunod ka na rin sa akin
Masasagip nga ba
O kakayanin ko na lang mag-isa
Ayoko malunod, sa'yo ang naipon
Sabihin mo sa'kin kung ako ba talaga
Hindi ko na kaya, sana 'di na umasa
Kung alam ko lang na ako lang ang malulunod sa alon mag-isa