menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

pasensya

Josuehuatong
misticahn_84huatong
歌詞
作品
Ano ba? 'Di ka pa rin ba nadadala?

Lagi ka na lang nagpapadala sa mga bagay na alaala na lamang

Alam mo namang nagdadala ng kalungkutan 'to sa mata

Pero bakit taas noo mo pang dinadala

Na parang pasulubong sa kinabukasan?

Tama na nga 'yan, wala ka namang mapapala d'yan

'Wag mong hukayin ang nakaraan

Sabi mo ililibing mo sila d'yan, 'wag kang bulaan

'Lam ko namang bukas siya pa rin 'yung iimbitahan

Imbis na papasukin ang mga bagong naka-abang

Pa'no natin 'to malalampasan kung nakaraan ang nasa harapan

Pasensya ka na kung nahirapan ka

'Di ko naman talaga sinasadya

Kung alam ko lang na gan'to kalala

Inayusan ko na sana ang lahat

Pasensya ka na kung nahirapan ka

'Di ko naman talaga sinasadya

Pwede pa bang bumalik sa umpisa?

Yeah

Ano ba? Kitang-kita mo na 'kong sugatan

Bakit sa tuwing kausap kita'y para kang lutang

Galaw-galaw naman d'yan, ikaw pinagmulan

Mga saksak sa likuran, 'wag mo 'kong talikuran

Tayong dalawa rin habang buhay

Nakahandusay at nakikiusap, pwede bang iyong tulungan?

'Wag mo 'kong tulugan, 'lam kong hindi ka nagpapahinga

Tinatakasan mo lang ang realidad

Habang ako'y nagdurusa, sana naman ikaw ay magkusa

Kasi ako'y talagang ubos na, tapusin mo na, yeah

Pasensya ka na kung nahirapan ka

'Di ko naman talaga sinasadya

Kung alam ko lang na gan'to kalala

Inayusan ko na sana ang lahat

Pasensya ka na kung nahirapan ka

'Di ko naman talaga sinasadya

Pwede pa bang bumalik sa umpisa?

Pasensya na rin, gusto ko lang may marating

At masabi din nating 'tong mga ngiti tunay at hindi pilit

'Wag kang pipikit, sa mga bagay na kailangan harapin

Sarili ay dapat matutunang mahalin

Sarili ay dapat pagtuunan ng pansin

Nakalipas na'y kailangan mo nang tanggapin

'Yun ang dapat mong gawin, 'di na dapat banggatin

Kinulong na gigil sa loob, kalampagin

Mga daga sa dibdib subukang alisin

'Di ka aya-ayang alaala'y 'wag nang damdamin

Kung kailangan kantahin ko lahat

Ng mga bagay na sa ating lalamunan ay nagtatanim

Ng tinik aabutin tayong umaga, 'wag mo nang patagalin

Pasensya ka na kung nahirapan ka

'Di ko naman talaga sinasadya

Kung alam ko lang na gan'to kalala

Inayusan ko na sana ang lahat

Pasensya ka na kung nahirapan ka

'Di ko naman talaga sinasadya

Pwede pa bang bumalik sa umpisa?

Gusto ko na lang bumalik sa umpisa

Gusto ko na lang bumalik sa umpisa

Para maitama ang mga bagay na pinagsisisihan

Ohh, ohh pasensya na

更多Josue熱歌

查看全部logo

猜你喜歡