{Verse 1}
Aking nakikita lungkot sa iyong mata
Nararamdaman ko bigat ng 'yong dala
Mga munting hikbi at patak ng luha
Kapatid, alam kong ika'y may problema
{Verse 2}
Di mo man sabihin ang iyong tiisin
Di man bigkasin laman ng damdamin
Kahit na hindi ka laging dumadaing
Batid ko ang bigat ng 'yong dalahin
{Chorus}
Sige lang, kapatid, h'wag kang mahihiya
Sa aking balikat, ipatak ang luha
Sasamahan kita hanggang magagawa
Tatawag sa Ama, hihingi ng awa
{Verse 3}
H'wag mong lilimutin, Ama'y mahabagin
Lahat ng mabuti, iniukol sa atin
Siya'y nakikinig sa ating dalangin
Kung tayo'y magkusa, magmasunurin
{Chorus}
Sige lang, kapatid, h'wag kang mahihiya
Sa aking balikat, ipatak ang luha
Sasamahan kita hanggang magagawa
Tatawag sa Ama, hihingi ng awa
{Bridge}
Kapatid, tandaan, 'di ka nag-iisa
Ang una sa lahat, nariyan ang Ama
Kasama si Hesus, ating sinisinta
Di tayo iiwan sa gitna ng dusa
{Chorus}
Sige lang, kapatid, h'wag kang mahihiya
Sa aking balikat, ipatak ang luha
Sasamahan kita hanggang magagawa
Tatawag sa Ama, hihingi ng awa
Tawag sa Ama, hihingi ng awa
--- www.LRCgenerator.com ---