Bakit kaya ,pag nakikita ka
Araw ko'y gumaganda at laging masaya
Ganyan ang damdamin kong, nadadarama mula noon
Hindi nagbabago hanggang ngayon
Bakit kaya, pag nakausap ka
Di nakakasawa ang iyong pag salita
Tulad ng isang awiting kay gandang pakinggan
Mula sa simula hanggang wakas
Sadyang ganyan ang damdamin ko sa'yo
Mahirap maintindihan, subalit totoo
Kahit kailan, sa buhay kong ito
Di ka lilimutin mula noon hanggang ngayon
Bakit kaya, pag nakausap ka
Di nakakasawa ang iyong pag salita
Tulad ng isang awiting kay gandang pakinggan
Mula sa simula hanggang wakas
Sadyang ganyan ang damdamin ko sa'yo
Mahirap maintindihan subalit totoo
Kahit kailan sa buhay kong ito
Di ka lilimutin, mula noon hanggang ngayon
Bakit kaya, puso'y nag tatanong
Mahirap maintindihan, subalit totoo
Ewan ko ba, sa damdamin kong ito
Hindi parin nagbabago mula noon hanggang ngayon