Sa maybahay ang aming bati
‘Merry Christmas’ na maluwalhati
Ang pag ibig ‘pag siyang naghari
Araw araw ay magiging Paskong lagi
Ang sanhi po ng pagparito
Hihingi po ng aginaldo
Kung sakaling kami’y perhuwisyo
Pasensya na kayo’t kami’y namamasko.
Maligaya, maligayang Pasko kayo’y bigyan
Masagana, masaganang Bagong Tao’y kamtan
Ipagdiwang, ipagdiwang araw ng Maykapal
Upang manatili sa atin ang kapalaran
At mamuhay na lagi sa kapayapaan
Mano po Ninong, mano po Ninang
Narito kami ngayon
Humahalik sa inyong kamay
Salamat Ninong, salamat Ninang
Sa aginaldo pong inyong ibinibigay
Mano po Ninong, mano po Ninang
Narito kami ngayon
Humahalik sa inyong kamay
Salamat Ninong, salamat Ninang
Sa aginaldo pong inyong ibinibigay
Sa maybahay ang aming bati
‘Merry Christmas’ na maluwalhati
Ang pag ibig ‘pag siyang naghari
Araw araw ay magiging Paskong lagi
Ang sanhi po ng pagparito
Hihingi po ng aginaldo
Kung sakaling kami’y perhuwisyo
Pasensya na kayo’t kami’y namamasko.
Mano po Ninong, mano po Ninang
Narito kami ngayon
Humahalik sa inyong kamay
Salamat Ninong, salamat Ninang
Sa aginaldo pong inyong ibinibigay
Mano po Ninong, mano po Ninang
Narito kami ngayon
Humahalik sa inyong kamay
Salamat Ninong, salamat Ninang
Sa aginaldo pong inyong ibinibigay
Maligaya
maligaya, pasko kayo'y bigyan
Masaganang
Masagana, Bagong Tao'y kamtan
Ipag diwang Ipag diwang
Araw ng may Kapal
Upang manatili sa atin ang kapalaran
At mabuhay na lagi sa kapayapaan ...End
Pasko nanaman!
Pasko na naman
O kay tulin ng araw
Paskong nagdaan
Tila ba kung kailan lang
Ngayon ay Pasko
Dapat pasalamatan
Ngayon ay Pasko
Tayo ay mag awitan.
Pasko! Pasko!
Pasko na naman muli.
Tanging araw na ating pinakamimithi.
Pasko! Pasko!
Pasko na naman muli.
Ang pag ibig naghahari!
Pasko na naman
O kay tulin ng araw
Paskong nagdaan
Tila ba kung kailan lang
Ngayon ay Pasko
Dapat pasalamatan
Ngayon ay Pasko
Tayo ay mag awitan.
Pasko! Pasko!
Pasko na naman muli.
Tanging araw na ating pinakamimithi.
Pasko! Pasko!
Pasko na naman muli.
Ang pag ibig naghahari!
Pasko! Pasko!
Pasko na naman muli.
Tanging araw na ating pinakamimithi.
Pasko! Pasko!
Pasko na naman muli.
Ang pag ibig naghahari!
Noche Buena!
Kay sigla ng gabi
Ang lahat ay kay saya
Nagluto ang Ate
Ng manok na tinola
Sa bahay ng Kuya
Ay mayroong litsonan pa
Ang bawat tahanan
May handang iba't iba
Tayo na giliw
Magsalo na tayo
Mayro'n na tayong tinapay at keso
Di ba Noche Buena
Sa gabing ito
At bukas ay araw ng Pasko
Tayo na giliw
Magsalo na tayo
Mayro'n na tayong tinapay at keso
Di ba Noche Buena
Sa gabing ito
At bukas ay araw ng Pasko
Kay sigla ng gabi
Ang lahat ay kay saya
Nagluto ang Ate
Ng manok na tinola
Sa bahay ng Kuya
Ay mayroong litsonan pa
Ang bawat tahanan
May handang iba't iba
Tayo na giliw
Magsalo na tayo
Mayro'n na tayong tinapay at keso
Di ba Noche Buena
Sa gabing ito
At bukas ay araw ng Pasko
Tayo na giliw
Magsalo na tayo
Mayro'n na tayong tinapay at keso
Di ba Noche Buena
Sa gabing ito
At bukas ay araw ng Pasko
Sa Paskong Darating!
Sa Paskong darating Santa
Claus nyo'y ako rin
'Pagkat kayong lahat ay naging masunurin
Dadalhan ko kayo ng mansanas at ubas
May kendi at tsokolate,
peras, castañas na marami
Sa araw ng Pasko huwag nang malulumbay
Ipagdiwang ang araw habang nabubuhay
Sa Paskong darating Santa
Claus nyo'y ako rin
'Pagkat kayong lahat ay mahal sa akin
Instrumental
Sa Paskong darating Santa
Claus nyo'y ako rin
'Pagkat kayong lahat ay naging masunurin
Dadalhan ko kayo ng mansanas at ubas
May kendi at tsokolate,
peras, castañas na marami
Sa araw ng Pasko huwag nang malulumbay
Ipagdiwang ang araw habang nabubuhay
Sa Paskong darating Santa
Claus nyo'y ako rin
'Pagkat kayong lahat ay naging masunurin
'Pagkat kayong lahat ay mahal sa akin